in

Dimples Romana naging emosyonal sa pagsaksi sa kasalang Angel Locsin at Neil Arce

Maituturing si Dimples Romana talaga ang pinaka best na kaibigan that Angel Locsin ever had.

Isa si Dimples sa naging saksi sa naganap na pagiisang dibdib nina Angel Locsin at Neil Arce.

Sa kaniyang Instagram post kagabi, August 7, ay isang emosyonal na mensahe ang pagbati niya para sa bagong kasal.

Saad ni Dimples sa kaniyang post, “Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have yours”

Isinama niya din ang quote na sinabi ni Mayor/Direk Lino Cayetano na,

“Kapag mawala pa lahat, HOPE, FAITH and LOVE remains , truly you are each other’s treasure”

Sa kasunod na post ay tears of joy umano ang nadarama ni Dimples. Para sa kasiyahan ng kaniyang matalik na kaibigan.

Pinasalamatan din niya si Neil sa pagpapasaya nito kay Angel.

“thank you Mr. Arce. You have made my best friend heart find peace and comfort in knowing that my Huling Bantay will forever be loved and looked out for”

Samantala, sa post naman ni Angel, ibinahagi nito ang naging paguusap nila ni Dimples bago maganap ang wedding.

Saad ni Angel, “Excuse me… are you the mother? Mars? Pwede ka bang mag witness?Kailangan pala heheOo naman. Anong kailangan mo? Anong isusuot? Kahit ano lang. jeans.
Wala kang kwentang kausap. Di nga? Pants lang mars. Kung ano lang ang suot mo. Kahit naka-slippers.Sa harap ng mayor, naka-tsinelas?! Mag ayos ka naman!”

Kalakip ang litrato ni Dimples na di mapigilan ang kaniyang pag-iyak sa kasiyahan ng kaniyang bff.

Ibang klaseng kaibigan talaga itong si Dimples ano?

Simpleng kasalan, simpleng kasuotan, Angel Locsin lubos ang kasiyahan sa pagiisang dibdib nila ni Neil Arce

Para makatipid, Cassy Legaspi nanghihiram lang ng bag sa kaniyang mommy Carmina