in

Diego Loyzaga ibinahaging si Barbie Imperial na ang nais niyang maging ina ng kanyang mga anak in the future

Mukhang road to marriage na din ang celebrity couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Sa ginanap na virtual media conference ng upcoming movie ng magkasintahan na Dulo gabi ng November 16, 2021. Nagbigay kilig nanaman sina Diego at Barbie.

Mula umpisa hanggang matapos ang nasabing media con ay makikita ang paglalambingan ng dalawa.

Mas lalo pang kinilig ang entertainment press nang ibahagi ni Diego na si Barbie na ang nakikita niyang magiging ina ng kanyang mga anak.

Saad ng aktor, “Consistent ako sa lahat ng interviews ko, sinasabi ko na yung nakita ko kay B. Sinabi ko sa sarili ko na if ever I date a girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children.

“Kailangan may ganoon siyang factor.

“And nakita ko yun kay B, really early pa sa relationship, noong nanliligaw pa lang ako sa kanya. How organized she is as a person when it comes to work.

“She’s maternal. Sobrang caring niya like a mom, yun ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya.”

Ibinahagi din ni Diego na may similarity sina Barbie at kanyang inang si Teresa Loyzaga.

Aniya parehas daw makulit ang dalawang babae sa kanyang buhay. Parehas din daw maalaga ang mga ito.

Laking pasalamat din umano ni Diego kay Barbie dahil buong puso nitong tinanggap ang kanyang nakaraan.

Hindi naman kaila sa publiko ang pinagdaanang depressi0n noon ni Diego.

Samantala, maligayang-maligaya naman si Barbie dahil natupad ang pangarap niyang makapareha si Diego sa isang pelikula kaya nagpapasalamat siya sa Viva.

Tila anniversary gift daw ito sa kanila dahil December 11, 2020 naging sila. At December 10 naman ang showing ng kanilang movie.

Karla Estrada ibinahaging na-stress na ang anak na si Daniel Padilla dahil sa pagpasok nila ni Rommel sa pulitika

Janus Del Prado tila pinasaringan si Alodia Gosiengfiao ukol sa break-up nila ni Wil Dasovich