in

Diego Loyzaga at Barbie Imperial, pinakilig ang kanilang mga fans sa palitan nila ng sweet messages

Nagbahagi si Barbie Imperial ng litrato nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.

Na nagbigay kilig sa kanilang mga fans at followers.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Barbie ng litrato ni Diego at isang litratong magkasama silang dalawa.

Sa kanyang caption saad ng aktres, “If there’s something I wanna give you, I’d give you the ability to see yourself through my eyes so you know how special you are to me. How happy my heart feels when I see you happy when I’m with you.”

Sa comment section naman ng kanyang post isang nakakakilig na message naman ang iniwan ni Diego.

“I love you my baby gurl. Thanks for making my day,” saad ni Diego.

Nang dahil sa kani-kanilang trabaho ay tila matatagalan bago muling magkasama ang magkasintahan.

Ito ay base sa post ni Diego kamakailan, saad ng aktor, “I’m gonna miss you BB gurl. See you in a month’s time. Do great at work today! Thank you to these beautiful people who made our last trip memorable.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Kalakip nito ang litratong kuha sa Subic kung saan naka-bonding nila si Angelica Panganiban at ang nobyo ng aktres.

Reply naman ni Barbie sa comments section: “See u sooon babe!!!! Am gonna miss ur hugs & smol kisses.”

Sumagot naman si Angelica ng, “Balik kayo kagad,” na kasama nila sa isa sa mga photo.

Mula ng isapubliko nina Barbie at Diego and kanilang relasyon noong unang araw ng taon ay consistent ang sweetness nila.

Partikular na si Diego na laging gumagawa ng paraan upang ipakita ang kanyang pagmamahal sa kasintahan.

At gayundin naman si Barbie na laging makikita ang mga malalambing na mensahe niya para sa aktor.

Bago naging magkasintahan sina Barbie at Diego ay naging matalik muna silang kaibigan noong naguumpisa pa lang sila sa industriya.

Sam Pinto At Anthony Semerad, Pinagbubuntis Na Ang Kanilang Unang Anak!