in

Diego Loyzaga at Barbie Imperial kumpiramdong nag-uusap pa din matapos ang hiwalayan!

Diego Loyzaga at Barbie Imperial nag-uusap pa din daw pagtapos ng kanilang hiwalayan.

Isa ang hiwalayan nila Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang bumungad sa balitang showbiz world ngayong 2022. Una nang napansin ng kanilang fans na wala silang picture na magkasama noong nagdaang New Year’s Eve.

Hanggang sa aminin na ito mismo ng aktres na si Barbie sa isang panayaman niya sa ABS-CBN. Pero kahit na humarap sa maraming intriga ang former couple, nanatili ang maayos na komunikasyon ng dalawa.

Sa naging interview ng aktor kasama si Mj Marfori, nabanggit ito mismo ng aktor. Kasalukuyang na sa Estados Unidos pa din si Diego.

Napansin ni Mj na mukha daw okay si Diego kaya natanong nito kung kamusta ang aktor. Mukhang all too well naman ito sa kabila ng hiwalayan nilang dalawa.

Natanong na din ni Mj kung nag-uusap pa daw ba sila ng kanyang ex-girlfriend.

Sagot ni Diego, “We are in talking terms. Like Barbie said, hindi naman kami nagkahiwalay ng magkagalit sa isa’t-isa.”

“It is what it is. We had our time, we loved each other… we did our best”

Sinabi din ni Diego na parte ng buhay niya si Barbie at ang kanyang pamilya at ganoon din naman ang aktres sa kanya.

Mariel Padilla nasaktan ng kwestyunin ng kanyang childhood friend ang pagpasok ng mister na si Robin sa politika

Tita ni Darren Espanto galit na nagbigay ng pahayag laban kay Andrea Brillantes