in

“Destiny” Lola ni Dominic Roque malaki ang pagkakahawig kay Bea Alonzo noong kabataan nito

Tila itinadhana talaga kung ituring ng marami ang magkasintahan na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Nakaraang buwan lamang ng kumpirmahin nina Dom at Bea sa publiko ang kanilang relasyon. Ito ay matapos ang kanilang bakasyon sa Estados Unidos.

July 18 nang dumalo sila sa baby shower para sa tiyahin ni Dom na si Beth Tamayo. Doon din nakilala ni Bea ang ibang mga kaanak ng nobyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Naka-bonding na din ni Bea ang pamilya ni Dominic at ibinahagi ng kanilang fan page ang mga litrato na kuha sa bahay ng aktor.

Makikita sa litrato na naroon ang mga magulang ni Dominic na sina Anthony Sr. at Lena.

Naroon din ang mga kapatid ni Dominic na sina Anthony Jr., Iah, at Lhean. Asawa ni Anthony Jr. si Marian at anak nila si Claudia.

At kamakailan nga lamang, tila destiny daw kung maituturing talaga sina Dominic at Bea. Dahil viral ngayon ang litrato ng Lola Zeny ni Dom.

Kung saan makikita ang laki ng pagkakahawig ni Lola Zeny kay Bea Alonzo noong kabataan pa nito.

Ipinost ito ng Fan pgae ng magkasintahan at pinagdikit ang litrato nina Bea at Lola Zeny.

Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang nasabing litrato.

Narito ang ilan sa say ng netizens: 

“Ganun daw kapag may kamukha ung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo.. Kau daw ang magkakatuluyan”

“Sabi nila pag may resemblance.. destiny talaga sila”

“magkamukha din naman sila ni Dominique roque e para silang magkapatid “

“nakatadhana talaga sina Bea at Dom hawig na hawig ni Lola eh”

RR Enriquez, Duda sa “As a friend” na Dahilan ni Paolo Contis Kay Yen Santos!

Beth Tamayo, Isinilang na ang Kanyang Panganay na Healthy Baby Girl!