in

Derek Ramsay sinupalpal ang netizen na bumatikos sa litrato nila ni Ellen Adarna habang natutulog

Pumatol na namang muli si Derek Ramsay sa mga netizen na walang sawang bumabatikos sa kanya.

Magmula ng maging magka-relasyon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay naging tampulan na sila ng mga bashers.

Kahit pa ngayong engaged na sila ay hindi pa rin sila tinitigilan ng kanilang mga haters.

Masaya na nga sa piling ng isa’t-isa sina Derek at Ellen, madalas nga silang nagpopost ng mga kaganapan nila sa social media.

Mga asaran moments nila at pati na din siyempre ang mga simpleng bagay na pinagkakasunduan nila.

May video na tuwang tuwa si Ellen ng pang-aasar kay Derek at ganun din naman ang aktor.

Mayroon ding sweet moments na nagwo-work out sila na may kasama pang kiss.

Madalas man na asaran ang kanilang mga post ay nangingibabaw naman ang pagbabahgi nila kung gaano sila kasaya sa isa’t-isa.

Ngunit kahit gaano man ka-natural ng kanilang relasyon ay hindi maiiwasan na mayroon pa ring bumabatikos sa kanila.

Katulad na lamang kamakailan, sa latest Ig post ni Derek ay muli na naman niyang sinupalpal ang isang basher.

Nagpost kasi ang aktor ng larawan nila ng kanyang kasintahan habang natutulog.

Sa kanyang caption saad ni Derek, ” We are meant to be talaga!” kalakip ang litratong parehas silang nakanganga.

Marami man ang natuwa sa kanilang litrato at sinabing bagay talaga sila, may isang netizen naman ang bumatikos muli sakanila.

“Nxt year iba nanaman syota niyan ni Derek,” komento ng basher. Sinagot naman ito ni Derek ng, “Next year basher ka pa rin.” 

Tila hindi na ganun kaapektado si Derek at sanay na sa mga batikos.

Gretchen Barretto at Atong Ang spotted na magkasamang muli sa isang sabungan, video nila viral ngayon

Dating ka loveteam noon ni Mahal na si Mura, hirap na ngayon sa paglalakad dahil sa isang insidente