in

Derek Ramsay gumanti sa fiancé na si Ellen Adarna, tinakot ang aktres sa butiki

Hindi pa din natatapos ang nakakaaliw na prank sa isa’t-isa ng engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Base sa Instagram posts ng magkasintahan, makikitang nagkakasundo ang dalawa sa likas nilang kakulitan at pagiging masiyahin.

Madalas nga ay nagpapalitan ng prank sina Ellen at Derek na kinagigiliwan ng kanilang mga fans.

Kamakailan nga lamang ay napasigaw sa takot si Derek ng takutin siya ni Ellen sa ipis.

Sa video na ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram story, dinig na dinig na agad ang malakas na sigaw ni Derek na takot na takot.

“No, no, no, no! Stop it, babe! Babe!” ang sigaw ni Derek habang hawak ni Ellen ang ipis.

Makikitang nakabaluktot sa sofa si Derek at tinatakpan ang kanyang mukha dahil ayaw niyang makita ang ipis.

Ayaw pa ring tumigil ni Ellen at inilapit pa niya lalo kay Derek ang ipis.

“Babe, babe, suntukan ‘to! Suntukan ‘to!” sigaw ng aktor. Tawa naman nang tawa si Ellen na hawak pa rin ang ipis.

“Love, love, please…please…stop it,” sabi ulit ni Derek.

Kaya naman sa kanyang paghihiganti, tinakot naman ni Derek ang kasintahan sa butiki.

Sa video na ibinahagi ni Derek ay nagkunwari siyang may hawak na butiki, pahkakita ni Ellen na may kakaibang gagawin ang aktor ay napa Oh my God na ito.

Tumakbo na agad ang aktres sa gilid ng pintuan at tinakpan angkanyang mukha na halatang natatakot na.

Hanggang sa paglapit ni Derek ay sinisigaw nito na butiki ang kanyang hawak ngunit sa huli ay panali lamang pala ng buhok ito.

Tawang tawa naman ang aktor dahil sa wakas ay nakaganti na siya sa ipis prank ni Ellen.

Narito ang nakakatuwa nilang video:

Anong say mo dito?

Mga bagong larawan ni Kisses Delavin pang Miss Universe na talaga ayon sa mga netizens

Sa kanyang latest vlog, Ivana Alawi sinagot ang mga pangbabatikos na ipinukol sa kanya ng mga bashers