in

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado hindi inaasahan ang blessings na darating sa kanilang magkasintahan

Aminado si Dennis Trillo na naging mapagbiro ang tadhana para sa kanila ni Jennylyn Mercado.

Balak na talaga ng Kapuso couple na magkaroon ng sarili nilang anak.

Kaya naman unexpected blessing nang natural na magbuntis si Jennylyn habang nakalatag na ang plano nila para kumuha ng surrogate sa Amerika.

Ayon kay Dennis marami umano silang napagtanto sa pagbubuntis ni Jennylyn.

“Mapagbiro talaga ‘yung tadhana. Talagang mayroon siyang sariling timing. Kailangan lang siguro talaga sa buhay mo, huwag kang maiinip. Dahil darating at darating ‘yung para sa ‘yo balang araw,” pahayag ni Dennis.

Sa latest vlog naman ng magkasintahan sa YouTube channel ng aktres. Ibinahagi din nila ang kanilang surrogacy journey.

Bago nito, ibinahagi na rin nila sa channel ni Jen ang nangyaring marriage proposal ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Taong 2018 nang simulan nilang mag-prepare para sa surrogacy pero ayon kay Dennis, “It was a total failure.” Sabi naman ni Jen, “Parang sinabi sa amin na, ‘ah di pa kayo ganoon ka-ready.’”

Ngunit last year nga ay nagdesisyon na silang ipagpatuloy ang kanilang plano. Kaya nagtungo na agad sa Amerika si Dennis nang para ibigay ang kanyang specimen.

Ganun din ang ginawa ni Jen ng medyo naging maliwag ang kanyang schedule sa trabaho.

Samantala, nalalapit na rin ang kasal ng engaged couple sa pamamagitan ng civil ceremony. Na magaganap sa isang events place na malapit lang sa kanilang bahay para hindi raw na mahirapang bumiyahe ang aktres.

Hindi man daw inaasahan ay masayang masaya ang dalawa sa napakagandang blessings sa kanilang pagsasama

John Lloyd Cruz official Kapuso na! Ipinakilala na ng GMA sa isang presscon

Yen Santos at Paolo Contis pasimple nga bang nagpalitan ng message sa kani-kanilang IG Stories?