in

Dennis Padilla sang-ayon sa payo ni Ivana Alawi tungkol sa pagmamahal sa magulang

Mukhang may gustong iparating si Dennis Padilla sa kanyang mga anak.

Hindi lingid sa publiko ang pakikitungo ng mga anak ni Dennis sa kanya. Tila may galit o poot sa kanya ang mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Matatandaan na nais pa nga ng mga ito na palitan ang kanilang apelyido. Ayaw na nilang gamitin ang pangalan ng kanilang ama.

Bilang aktres din ang kanyang panganay kay Marjorie na si Julia, laging nakaugnay ang asta nito sa kanyang ama.

Nakakatanggap pa nga ng batikos si Julia dahil sa pang babalewala nito kay Dennis.

Pinagkumpara pa ng netizens ang pakikitungo ni Julia sa kanyang nobyo at sa kanyang ama.

Samantala, tila napahugot si Dennis nang i-repost niya ang advice ni Ivana Alawi. Tungkol sa pagmamahal sa magulang hanggang buhay pa ang mga ito.

Mababasa  na sinabi ni Ivana, “Advice ko sa inyo, habang buhay ang parents nyo o may kaaway kayo, wag nyo na hintayin na mawala yung tao.

“Just always forgive and love that person and give time.”

Sa kanyang Instagram ay sang ayon si Dennis sa sinabing ito ni Ivana.

Kalakip ng nasabing art card saad ni Dennis sa kanyang caption, “Great advice” kalakip ang praying hands emoji heart and heart broken emojis.

Ayon naman sa mga netizens ay tila gustong ipahiwatig ni Dennis sa kanyang mga anak na patungkol sa kanila ang quote na ito.

Kaya inaabangan tuloy ng marami kung tatablan nga ba ang kanyang mga anak. Na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Hiwalayan nina Miss U Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at girlfirend nito isiniwalat ng isang netizen

Nadine Lustre sinagot ang netizen na lumait sa pangangatawan niya ngayon