in

Dawn Chang may prangkang tugon sa netizen na sinabihan siyang “Dami mong alam”

Palaban talaga itong si Dawn Chang! Kaya kahit anong pangbabatikos sa kanya sinasagot niya.

Kamakailan nga lamang ay sinupalpal ni Dawn ang isang netizen na nagsabing masyado siyang madaming alam. Nagtweet kasi si Dawn ng isang makahulugang mensahe.

Kasunod ito ng inilabas niyang statement tungkol kay Toni Gonzaga.

Ani Dawn sa kanyang tweet, β€œIn life, we become miserable because of the wrong choices we make over and over again, ignoring what we think are small red flags.”

Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang post na iyon ng Kapamilya dancer actress. May isang netizen pa nga ang sinabihan siya ng β€œdami mong alam.”

Noong February 14 ay napukaw naman ang atensyon ni Dawn sa comment na ito ng nasabing netizen. Agad din niya itong sinagot ng pabalang.

Ani Dawn, β€œAba dapat! Nakakahiya yata pag wala kang alam.”

Maraming netizens ang natuwa sa sagot ni Dawn. Basag daw ang nasabing netizen sa way ng pagtugon ng dalaga. Ngunit may mangilan ngilan din na tila hindi nagustuhan ang mga sunod sunod na pahayag niya.

Tinawag pa nga siyang starlet at nakikisawsaw lamang sa mga isyu para sumikat. Dahil hindi naman daw siya kilala sa showbiz.

Ngayon lang naging matunog ang kanyang pangalan dahil sa naging pahayag niya laban kay Toni.

Whamos Cruz at nobyang si Antonette Gail pinutakte ng samut-saring reaksyon matapos mapansin ang kanilang scripted surprise vlog

Ion Perez naiyak noon nang tinanggihan na mag propose kay Vice sa live television