in

Dating pahayag ni Barbie Imperial na ayaw na niyang makipagbalikan sa kanyang ex, binalikan ng mga netizens!

Dahil sa kumakalat na larawan at video na magkasama ulit sila ni Diego Loyzaga. Dating pahayag ni Barbie Imperial tungkol sa hindi pakikipagbalikan sa naging ex-boyfriend binalikan ng netizens!

Nakaraang buwan lang ay nakapanayam si Barbie ng entertainment website na PEP.ph. Kung saan ay napag-usapan nila ang tungkol sa buhay pag-ibig.

Partikular na ang pakikipag-ayos muli sa dating nakarelasyon after tapusin ang kanilang pagsasama.

Ayon kasi kay Barbie, walang saysay ang pakikipaghiwalay kung makikipagbalikan lang muli. Hindi raw kasi siya naniniwala sa second chance sa isang relasyong natapos na.

Base sa sariling karanasan, sinabi ng aktres na kung hindi na naayos  ang problema habang magkarelasyon pa ang magkasintahan ay wala nang dahilan para magkabalikan pa.

“Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex. Du’n na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nu’ng time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat.

“Na du’n gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan. Parang you had your shot,” saad ng dalaga.

Pinagdarasal din umano ng aktres na sana ay hindi siya maging marupok at maisipang makipagbalikan sa kaniyang ex-boyfriend.

“I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!” natatawang sambit ni Barbie.

Aniya pa nga ay mahirap daw talagang magsalita ng tapos pagdating sa buhay pag-ibig. Dahil kapag nasira na daw ang relasyon ay napakahirap nang ibalik ang pagtitiwala.

Samantala, ilang linggo pa lang ang nakakalipas nang ipahayag ito ni Barbie. Ayon sa mga netiznes tila kinain ng aktres ang kanyang mga sinabi.

Dahil ng makabalik na ng bansa ang kanyang dating nobyo na si Diego ay namataang muli silang magkasama.

Naging viral ang kanilang larawan at may video pa na nakitang sila ay nagyayakapan. Kaya reaksyon tuloy dito ng mga netizens ‘Pokmaru ka Barbie!”

Toni Fowler dinala sa ospital ni Tito Vince Flores dahil sa biglaang pagkahilo

Robin Padilla kinancel ang appointements para dalhin sa ospital ang asawang si Mariel