in

Dating magkasintahan na sina Nadine Lustre at James Reid spotted na namimili sa IKEA Philippines

Muli na namang nagtagpo ang landas ng dating magkasintahan na sina James Reid at Nadine Lustre.

Isa ang JaDine sa pinaka minahal ng publiko na love team turned lovers. Sinubaybayan talaga ng mga fans ang kanilang pagiibigan.

Ngunit pagpasok ng taong 2020 ay kinumpirma nila sa publiko na hiwalay na sila. Marami sa kanilang fans ang nalungkot sa balitang ito.

At marami din ang umaasa na magkakabalikan pa sila at maayos pa ang kanilang relasyon. Ngunit halos magdadalawang taon na ang nakakalipas ay hindi na nga nakamit ang inaasam na comeback ng JaDine.

Hanggang sa nalink na sila sa iba’t-ibang personality. Si Nadine nga ay tila kumpirmado ng may relasyon sa businessman na si Christope Bariou.

Sa Siargao na nga madalas si Nadine na ang latest ay kasama pa ang pamilya niya.

Samantala, si James naman ay wala pang kumpirmadong bagong dinedate o bagong nobya. Kahit marami na ngang naglalabasang balita ngayon tungkol sa mga nalilink sa kanya.

At kamakailan nga lang ay tila pinagtagpo na namang muli ang landas nina James at Nadine.

Viral kasi ngayon ang mga larawan na kuha mula sa IKEA Philippines. Kung saan parehong namimili ang dalawa ng mga kagamitan.

Pero sa tagpong iyon ay hindi na silang dalawa ang magkasama. Si Nadine ay napag alaman na kasama ang kanyang pamilya at boyfriend na si Christoper.

Samantalang si James naman ay mga malalapit na kaibigan ang kasama sa pamimili.

Tanong tuloy ngayon ng marami, nagkita kaya sina James at Nadine sa IKEA? Gayung parehong oras at araw sila nagpunta sa nasabing establishment.

Pag-uusap nina Madam Inutz at Brenda Mage habang naka live sa PBB livestream trending ngayon online

Comeback is real na nga ba? Latest photos nina Alodia at Wil napansin ng mga netizens ang pagkakapareho