in

Dating ka loveteam noon ni Mahal na si Mura, hirap na ngayon sa paglalakad dahil sa isang insidente

Ito na pala ngayon ang kalagayan ng small but terrible na si Mura.

Kung si Noemi Tesorero o mas kilala bilang Mahal ay aktibo parin sa showbiz ngayon, si Mura na dati niyang katambal ay hindi na masyadong napapanood sa telebisyon.

Ang kanilang tambalan ay napapanood noon sa isang dating noontime variety show. Nakabilang din si Mura sa ilang mga pelikula at proyekto sa telebisyon.

Ngunit taong 2010, ay may hindi inaasahang pangyayari ang naganap kay Mura. Na naging dahilan din kaya nawala siya sa industriya.

Taong 2010, nabali ang kaliwang hita ni Mura. Mula noon, hindi na siya nakabalik ng showbiz.

Ngayon, nakatira ang 46-anyos na dating komedyante sa Ginubatan, Albay kasama ang kaniyang pamilya, at dito ay bumalik siya sa simpleng pamumuhay.

Bukod sa pagtatanim ng gulay, gumagawa rin ng uling si Mura na kaniyang ikinabubuhay.

Ayon kay Mura ay hindi parin niya nakakalimutan ang showbiz at nais parin niyang bumalik dito.

Para matulungan ang kanyang pamilya sa probinsya pero hindi na siya masyadong nakakatanggap ng mga proyekto.

Samantala, sa isang video na ibinahagi ng YouTube channel na Virgelyncares 2.0, naibahagi ni Mura kung paano siya nabubuhay sa kasalukuyan.

Kapansin-pansin na hirap si Mura sa paglalakad dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Gayunpaman, siya mismo ang gumagawa ng mga gawain para makaani sila mula sa kanilang mga pananim.

Kwento ni Mura, nakatakda sana siyang makasama ng yumaong batikang aktor na si Eddie Garcia ngunit dahil sa kanyang kalagayan ay tinanggihan niya umano dahil hindi niya kakayaning tumakbo.

Aniya kung mabibigyan siyang muli ng pagkakataon ay gagawin niya ang kanyang makakaya upang makabalik muli sa pag-aartista.

Naging emosyonal naman si Mura nang iabot sa kanya ang P10,000.

Abot-abot ang pasasalamat ni Mura sa vlogger na si Virgelyn at sa mga OFW na nagbigay ng kanilang mga donasyon.

Derek Ramsay sinupalpal ang netizen na bumatikos sa litrato nila ni Ellen Adarna habang natutulog

Queen Of Soul Jaya, nakabili na ng kauna-unahan niyang sasakyan sa Amerika