in

Dating child wonder na si Serena Dalrymple nagpahiwatig na engaged na siya sa kanyang Foreigner boyfriend

Tila malapit na ring bumuo ng sarili niyang pamilya ang dating child actress na si Serena Dalrymple.

Si Serena Dalrymple ay unang nakilala sa napaka-cute na commercial noon ng isang sikat na fast food chain.

Makatapos makitaan ng potensyal sa kanyang commercial ay sunod sunod na ang oportunidad na dumating sakanya.

Ngunit kahit pa nga ba, bumabaha ang proyekto niya at nagniningning ang bituin niya bilang isang child actress sa local showbiz industry, ay nagpasya si Serena na mag-pokus muna sa kanyang pag-aaral, hanggang sa naninirahan na nga ang aktres sa ibang bansa.

Sa kanyang Instagram account ay napag-alaman na masaya na siya ngayon sa kanyang buhay pag-ibig.

Kamakailan nga lamang ay bumuhos ng pagbati mula sa kanyang mga kaibigan sa industriya ang kanyang latest post.

Kung saan binati niya ang kanyang kasintahan ng happy anniversary.

Kalakip ng kanyang post ay ang litrato nila ng kanyang nobyo at kapansin pansin ang suot na singsing ng dalaga.

Kaya naman hinuha ng marami na tila pahiwatig ito ni Serena na after four years in arelationship ay engaged na sila.

Hindi man diretsahang sinabi ng dating child star, marami ang naniniwalang nag-propose na ang boyfriend nito kaya bumuhos ang “congratulations” para sa dalawa.

Ilan sa mga celebrity na bumati sa kanya ay si Camille Prats na nagsabing “Congratulations baby girl!!!” kalakip ang tatlong heart emojis.

Pati na rin sina Puleen Luna, kapatid ni Rica Peralejo na si Alex Peralejo at marami pang iba.

Tila baby girl no more na nga ang dating child wonder at handang handa na para bumuo ng kanyang sariling pamilya.

Janus Del Prado may pasaring sa mga nega sa paglipat ng kaibigan na si Bea Alonzo sa Kapuso Network

Meryll Soriano ipinasilip ang napakagarbong yate na pagmamay-ari ng kanyang amang si Willie Revillame