in

Dating “Balut” vendor nagsumikap paaralin ang saril, isa ng ganap na engineer ngayon

Inspirasyon sa marami ang naibigay ng isang balut vendor na ngayon ay isang ng engineer.

Hinahangaan ngayon ang 25-anyos na balut vendor na nagsumikap na mapagtapos ng pag-aaral ang sarili at ngayo’y engineer na sa Ilocos Sur.

Dahil sa angking kasipagan at pagpupursige para makaangat sa buhay ay matagumpay na nagtapos si Benny Tomas bilang isang Engineer matapos siyang pumasa sa 2021 Sanitary License Examination.

Ayon kay Benny na tubong Lallo, Cagayan ang kanyang tagumpay para maabot ang matagal na niyang pinapangarap na propesyon ay inaalay niya sa kanyang mga minamahal na magulang.

Magsasaka sa Cagayan ang mga magulang ni Benny, na panglima sa siyam na magkakapatid.

“Sa family namin wala pa kasing nakapagtapos kaya ginusto kong mag-aral. Alam ko ‘yung hirap nila roon sa Cagayan na paminsan-minsan hindi na rin sila nakakakain at wala silang ulam,” pagbabahagi ni Benny.

Sa pagtitinda ng balut ay naisakatuparan niya ang kanyang pangarap na makatapos sa pag-aaral. Ipinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral para matustusan ang mga gastusin niya sa eskwela.

Nakipagsapalaran si Benny sa Ilocos Sur at nag-aral sa University of Northern Philippines para makapagtapos.

Gumugugol siya ng dalawa hanggang tatlong oras para maibenta ang kaniyang paninda.

“‘Yong time management ko sa pagbebenta ng balut ay kapag sa tanghali po ay may break kami sa school. Pumupunta ako at bumibili ng balut na hindi pa luto.

Tapos ilalagay ko sa boarding house ko. After ng klase, lilinisan ko ‘yong balut at iluluto tapos magtitinda na ako ng alas-6 hanggang alas-8 (ng gabi).”

“Paminsan-minsan gusto ko nang sumuko pero thank God, hindi Niya ako pinabayaan,” sabi ni Benny.

Payo naman niya para sa mga mag-aaral na gustong makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay. Lalo na sa mga working student, huwag sukuan ang mga hamon sa buhay.

Mygz Molino bumuhos ang luha sa kauna-unahang vlog ilang linggo matapos ang pagkawala ni Mahal

Mark Herras at Nicole Donesa ikinasal na through civil wedding ceremony