in

Dating aktres na si Donita Rose, isa na ngayong chef ng supermarket chain sa Amerika

Ever wonder kung nasaan na ngayon ang dating aktres na si Donita Rose? Isa na siya ngayong corporate chef.

Nagsisimula na ang panibagong buhay si Donita Rose bilang isang chef sa California, U.S.A.

Ibinalita ni Donita sa isang Instagram post noong April na siya ay research and development chef ng Island Pacific Supermarket.

Aniya, “It’s official! You are now looking @islandpacificmarket’s Corporate R&D Chef,” saad ng aktres. “Wait ‘til you see what we’ve been working on together with @gtongi & @maricelaguilar2010 to bring Philippine Cuisine to the next level.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Ang Island Pacific ay Filipino chain of supermarkets na pagmamay-ari ng Filipino businessman na si Niño Jefferson Lim, asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo.

Kahit isang nang corporate chef sa US, wala raw isyu kay Donita Rose kahit gawin niya ang iba pang trabahong hindi na sakop ng trabaho niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Kwento ng Filipino-American actress, nagugulat ang mga Pinoy sa US kapag nakikita nilang siya ang naglalabas ng basura o nagpupunas ng mga lamesa sa restaurant.

Aminado si Donita na mahirap ito ‘physically’ pero gusto niya ang kanyang ginagawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Isa si Donita sa mga artistang nakaranas ng matinding hamon nang tumama ang pandemya simula noong 2020.

Isa ito sa pangunahing kunsiderasyon para lisanin niya ang Pilipinas at magpunta sa Amerika.

Kasama ni Donita ang 16 anyos na anak na si JP Villarama, anak niya sa dating asawang si Eric Villarama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Ayon kay Cristy Fermin, Direk Bobet Vidanes nilait ang mga dating kasamahan na sina Vice Ganda at Vhong Navarro

Madam Inutz hindi napigilang maging emosyonal sa sorpresang bahay at lupa ng manager niyang si Wilbert Tolentino