in

Daniel Padilla nag-react sa pang-iintriga sa kanya ni Xian Gaza kay Barbie Imperial

Nagbigay na ng kanyang reaksyon si Daniel Padilla sa mga post ni Xian Gaza tungkol sa kanila ni Barbie Imperial.

Hindi nga nakaligtas sa napakaraming fans nina Daniel at Kathryn Bernardo ang maling balita na pinapakalat ni Xian.

Inintriga kasi ng self procalimed Marites ng social media ang larawan ni Barbie na nasa bahay nila Daniel. Makikita kasi ang aktres sa likod ng ina ni DJ na si Karla Estrada.

Pinansin din nito na nagpalit ng profile picture si Barbie at changing DP ang caption nito. Which is Display Photo ang ibig sabihin ngunit para kay Xian ay initials daw ito ni Daniel Padilla.

Umani nga agad siya ng batikos mula sa mga tagahanga ng KathNiel. At isa nga sa mga ito ay nagpadala ng mensahe sa aktor ukol dito.

Nagpasalamat naman si Daniel sa pagiging concern ng kanilang mga fans sa pagmamahalan nila ni Kath. Pero dedma lamang ang aktor sa pangiintriga ni Xian.

Aniya, “Huwag niyo nang pansinin ‘yun. Nonsense.”

At dahil dito ay mas lalong dumami ang nagalit kay Xian, sinabing puro na lamang daw pagpapapansin ang ginagawa nito sa social media.

Kalaunan ay nagbigay naman ito ng mensahe para kay Karla. Aniya, “Karla Estrada Madam, wala po akong balak siraan yung anak niyo dahil mataas po respeto ko sa mga lalaking kamukha ko. Ang nais ko lang po ay malinawan. Ano pong ginagawa ni Barbie sa bahay niyo? May namamagitan po ba sa kanilang dalawa ni DJ?”

Sa ngayon ay wala pa namang reaksyon si Momshy Karla ukol dito.

Ogie Diaz nanghingi ng paumanhin kay Marvin Agustin dahil sa naging komento niya sa tinitinda nitong Cochinillo

Christian Merck Grey lubos ang kasiyahan nang malaman na nagdadalangtao na ang kanyang misis