in

Dani Barretto naging emosyonal sa kinalabasan ng transpormasyon ng kanilang bahay

Hindi napigilang maging emosyonal ni Dani Barretto sa transpormasyon ng bahay nila ng asawang si Xavi Panlilio.

Humingi ng tulong ang 28-year-old content creator at influencer na si Dani sa Moss Design House.

Upang gawing rustic-themed space ang kanilang living at dining area.

Ibinahagi ni Dani ang dahilan kung bakit nais niyang baguhin ang disenyo ng kanilang bahay.

 

Nais daw kasi niya ng kakaibang disenyo, tipong hindi sila magsasawang mag-asawa na tignan ito habang sila ay tumatandang magkasama.

“Well, mag-one year palang kami here sa house and immediately nagsawa na kami sa the way it looks. ‘Yun pa. Kasi we’ve been here the whole year and we’ve been stuck in the same space. Parang I guess we just wanted a design that’s more pangmatagalan. ‘Yung timeless ‘yung hitsura, hindi ‘yung mapagsasawaan,” saad ni Dani.

Dagdag pa niya, “Kasi wala pa kaming one year dito pero we’re like, ‘What can we change?’ Ganun na kami every day.”

Nang bumalik na si Dani sa kanilang bahay matapos ang tatlong araw na inaayos ito ay talaga namang namangha siya sa bagong itsura nito.

Hindi siya makapaniwala sa kinalabasan ng transpormasyon na gawa ng Moss Design House.

“Well, we felt like we walked into a different house. Parang we felt like hindi na namin ‘to bahay. It’s like it’s a new home again. It felt new. It’s way cozy. It has more character. It’s like pagpasok mo, it’s like home na talaga. ‘Yung parang ang sarap umuwi sa ganitong environment,” pagbabahagi ni Dani.

Samantala, di naman napigilan ni Dani ang maging emosyonal nang ibahagi niya kung gaano siya kasaya sa resulta nito.

Ito daw kasi ang ipinangako niya sa kanyang asawa noong ikinasal sila.

Kilalanin ang panganay na anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach na ngayon ay Kapuso artist na

Jasmine Curtis isa nga ba sa pinakabagong artista ng Crown Artist Management ni Maja Salvador?