in

Dancer ni Kuya Wil noon na si Lovely Abella proud successful businesswoman na ngayon

From Rags to Riches din kung maituturing ang kwento ng sikat na negosyante ngayon na si Lovely Abella.

Parang kahapon lang nang i-setup ng mag-asawang Lovely at Benj Manalo ang kanilang business na Seven Long Table Marketing. Ito ay noong nagsisimula pa lang ang quarantine sa bansa.

Pero dahil sa kanilang pagsisikap, ang kanilang small business ay lumago at nag-branch out pa sa iba’t ibang industriya tulad ng cosmetics, food, at marami pang iba.

Pero bago pa man maging successful businesswoman si Lovely. Una siyang nakilala bilang dancer noon.

Ito ay sa show ni Willie Revillame. Hanggang pinasok niya na din ang pag-aartista at naging isang komedyante.

Kaya naman sa kanyang post sa Instagram kamakailan ay nagbalik tanaw si Lovely sa mga pinagdaanan nila.

Laking pasasalamat din niya na patuloy ang pagdating ng biyaya sa kanilang negosyo.

Aniya, “Humble beginnings nagsimula sa 1, naging 2, naging 3 hanggang sa dumami na. Ginamit namin ang unang napundar namin ng asawa ko @benj na bahay ginawang stockroom at office. Pero sadyang napakabuti mo LORD.”

“’Di na naman kami kasya knowing na SOLD OUT ang mga stocks namin. Kailangan na ng mas MALAKI na warehouse para mas madami ang mabibigyan namin ng WORK.

“I know kung ano ang purpose namin sa mundo and don’t worry Lord pangako magiging Daan mo kami. Congrats team seven long table.. Laban.”

Sa ngayon ay naging inspirasyon din si Lovely ng mga online sellers. Dahil libo libo din ang kanyang views sa bawat live selling niya sa Facebook.

Antonette Gail del Rosario ipinagtanggol ang nobyong si Whamos sa mga bumabatikos sa itsura nito

Prank Gone Wrong: Vloggers na nameke ng ‘road r4ge’ posibleng makul0ng sa ginawa nila!