in

Dalawang Philippine Science High School students, pinag-aagawan ng iba’t-ibang international university

Dalawang batang Pinoy na estudyante sa Philippine Science High School ang pinag-aagawan ngayon ng mga prestihiyosong unibersidad sa ibang bansa.

Isa sa maipagmamalaki ng mga Pinoy ay ang husay pagdating sa eskwelehan.

Bukod pa dito ang mga angking talento na nagbibigay ng parangal para sa bansa.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na tinitingala ang mga Pinoy ng iba’t-ibang bansa pagdati sa mga ganitong larangan.

Kamakailan nga lang, dalawang estudyante mula sa Philippine Science High School System (PSHS) ang nabigyan ng offer mula sa mga prestihiyosong unibersidad sa ibang bansa.

Pare-parehong graduate ng Batch 2021 ang dalawang estudyante, na kapwa rin inalokan ng scholarship grants.

Ang isa ay mula sa PSHS-CALABARZON Region Campus. Siya ay si Maria Charisma P. Estrella na nabigyan ng offer mula sa New York University at Yale University – National University of Singapore College.

Ang offer mula sa New York University ay Dual Degree Program sa BS Biology at BS Biomolecular Engineering na may kaakibat na scholarship grant.

Ang offer naman mula sa Yale – NUS College ay Molecular, Cellular at Developmental Biology.

Samantala, ang isa pang nabigyan ng offer ay si Dominic R. Navarro mula sa PSHS – Ilocos Region Campus.

Ang isang offer sa kanya ay mula sa Jacobs University sa Germany (BS Mathematics) na may kasamang scholarship. Ang pangalawa ay mula sa Bentley University sa US (BS Actuarial Science) at ang pangatlo ay mula sa University of Wisconsin Madison – Wisconsin School of Business (BBA Actuarial Science).

Sa panayam sa GMA News, hinikayat ni Estrella ang mga kapwa niya estudyante na tanggapin nila ang hamon para magsikap gawin ang kanilang makakaya.

Sa ngayon ay hindi pa nila napagdedesisyunan kung alin sa mga tanyag na unibersidad na ito ang kanilang pipiliin.

Beteranang aktres na si Maritoni Fernandez ipinasilip ang magarbong beach house niya sa Bataan

Kris Aquino naging emosyonal sa pagbabalik sa Tarlac ng panganay na anak na si Josh