in

Dalagang anak ni Joko Diaz na si Ashley Diaz pinasok na din ang showbiz pero hatid sundo ng ama!

Lumabas ang pagiging over protective father ni Joko Diaz sa anak na si Ashley Diaz ngayong nasa showbiz na ito.

Ang tapusin ang pag-aaral ang tanging kundisyon na hiningi ni Joko kay Ashley. Bago siya pumayag na pumasok sa showbiz ang panganay na anak nila ng kanyang misis na si Abby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joko Diaz (@akosijokodiaz)

At ngayon ngang sinundan na rin ni Ashley ang kanyang yapak sa pagpasok sa industriya ng showbiz. Aniya masaya para sa anak, at nais din daw niyang makatrabaho ito in the future.

Nagbigay din daw siya ng payo sa anak sa mga dapat nitong ikonsidera sa pagtatrabaho. Pero ayon kay Joko hatid sundo pa rin niya ang 16-year-old daughter niya sa set.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joko Diaz (@akosijokodiaz)

Aniya, “Kumportable naman ako to work with her. Sana lang magtama yung schedule namin. Tapos ang mga sinasabi ko lang sa kanya, pinapaalala ko na makisama siya, always be kind, always respect the senior sa ‘yo, ganun lang. Hindi naman ako yung stage father na kailangan pupunta ako sa set. Pero hatid sundo, ganun nga lang. Hinahatid sundo ko siya”

Pinasalamatan naman ni Ashley si Joko dahil sa pagpayag nitong pumasok siya sa showbiz para matupad ang pangarap niyang maging singer.

Ayon kay Ashley, napakaganda ng relasyon nila ni Joko dahil mabait at supportive ang tatay niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ashley Diaz (@_ashleydiaz)

Lumaki si Ashley na napapanood ang pagkokontrabida ng amang si Joko na naging bahagi ng. Curious din daw siyang subukan din na magkontrabida if given the chance.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joko Diaz (@akosijokodiaz)

Xian Gaza kinwestyon kung magkano nga ba ang ambag ni Ion Perez sa 500K na donasyon nila ni Vice Ganda

Yassi Pressman proud sa kanyang “food belly” sa social media!