in

Dahilan ng Kapuso singer na si Aicelle Santos kung bakit ayaw niya kumuha ng yaya

Ine-enjoy ng first time mom na si Aicelle Santos ang pagiging hands-on sa kanyang baby.

Kahit aktibo sa showbiz, grateful si Aicelle Santos na maging hands-on mom sa anak niyang si Zandrine.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Santos ang kanyang karanasan bilang first time mom sa gitna ng pandemya.

Naranasan umano ni Aicelle ang saya na makapiling ang anak 24/7 at maging ang hirap na kaakibat nito.

“Kagaya no’ng isang araw nag-post ako dahil feeling ko maganda ‘ko, kunwari nag-lipstick ako pero, sa totohanan, what is ligo?

“Kasi ni ultimo pagkain ko, ‘di na po ako ngumunguya, lunok na lang po kasi aabatan mo si Zandrine. Magigising na kasi nga po wala kaming yaya,” saad ni Santos.

Dagdag pa niya, Maraming sacrifices pero kapag nginitian ka ng anak mo, talaga namang sulit na sulit and ito ngang pandemic, talagang 24/7 kaming magkasama tapos nakikita mo ‘yung mga milestones n’ya.

“I don’t wanna say it’s perfect but it’s a happy journey for both of us, sa aming tatlo nila Mark,” pagbabahagi ni Santos da kanyang panayam.

Sinabi din ni Santos ang dahil king bakit ayaw pa nilang kumuha ng yaya para sa anak.

“Iba rin kasi kapag ikaw mismo ‘yung nag-aalaga kasi, una sa lahat, ‘di naman ako nagtatrabaho ng nine to five so bakit ako kukuha ng yaya, e, gusto ko ako ‘yung nagna-nappy change, ako ‘yung nagpapaligo, tapos breastfeeding kami.

“So magandang madaanan mo lahat ‘yun. Kung may choice ka to do it, why not?”

Nakatulong din umano sa kanya ang mga mommy groups.

Nakakakuha daw siya doon ng mga tips about parenting.

Kasama niya sa grupo ay ang mga kapwa Kapuso stars na sina Chariz Solomon, Maricris Garcia at Sheena Halili.

Joel Cruz hindi spoiled ang mga anak, tinuturuan din ng mga gawaing bahay

John Lloyd Cruz ipinakita ang pangungulila sa anak na si Elias Modesto