in

Dahil sa pagmention sa kanya sa mga blind item, Skusta Clee hindi napigilang magmura

Umalma na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee sa mga isyung idinadawit ang kanyang pangalan.

Sa inilabas na blind item kamakailan ni Xian Gaza tungkol sa influencer na may 10Million followers. Na nahuli umano ng kanyang nobya na may ibang babaeng kayakap. Isa si Skusta sa pinaghinalaan ng mga netizens.

Ayon kasi sa mga netizens sa description ni Xian sa blind item ay pasok si Skusta Clee. Dahil isa siya sa mga sikat na influencer na milyon ang followers.

May history din sila ng kanyang partner na si Zeinab Harake tungkol sa mga ganoong eksena.

Kaya naman minention nila si Skusta sa nasabing blind item. Ngunit tila napikon na ang singer dahil dito.

Sa kanyang Facebook post ay umalma si Skusta sa mga Marites ng social media. At hindi na nito napigilang magmura.

Aniya, “Oh! Oh! Oh! Tan6ina isang taon nakong nagtitino ah! Wag nyo kong pinagta-tag jan ah!”

Sa comment section naman ng kanyang post ay sinuportahan naman siya ni Zeinab. Sinabi din ng sikat na vlogger na mabait na nga ngayon si Skusta.

Wala na umano silang nagiging problema simula magkaroon sila ng anak. Natuto na umano si Skusta sa mga pagkakamali niya noon at bumabawi na ngayon.

Marami din sa kanilang fans ang nagbigay suporta kay Skusta Clee.

May mga nagsabi pa nga na hindi daw tanggap ng iba na talagang nagbago na siya.

Ang ilan naman ay sinabing burahin na sa kanilang isipan ang dating Skusta dahil iba na ito ngayon lalo na at pamilyado na siya.

Matapos kay Barbie Imperial, Xian Gaza si Barbie Forteza naman ang napagbalingan

Pasaring ni Diego Loyzaga sa mga patutsada sa kanya ni Xian Gaza kinaaliwan ng mga netizens