in

Dahil sa pagkalat ng itsura ng costume, Darna TV series pinangangambahang baka matulad sa Dyesebel

Nangangamaba ngayon ang ilang netizens na baka magaya umano ang Darna sa Dyesebel.

Nagsimula na nga ang first day of taping ng Darna TV series. Na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Ilang larawan na kuha sa scene na makikita si director Chito Roño giving instructions at si Jane de Leon na nakaupo habang naghihintay ng kanyang eksena.

Samantala, dahil sa nag-leak na costume umano na susuotin ni Jane sa series. Nangangamba ang netizens na baka raw matulad ito sa kinahinatnan noon ng Dyesebel (2014) ni Anne Curtis.

Na baka maging flop din ito after ilang weeks na pag-ere. Natambakan din kasi noon ang ratings ng Dyesebel.

Dahil sa tagal ng paghihintay ng mga manonood ay tila nagsawa din agad ng umere na ang palabas.

Magiging katapat ng Darna: The TV Series ng ABS-CBN ang Voltes V: Legacy ng GMA-7 sa susunod na taon.

At dito na malalaman kung matutulad nga ba sa Dyesebel ang pagtanggap ng mga manonood kay Darna.

Makakasama ni Jane sa series sina Joshua Garcia, Zaijan Jaranilla, Levi Ignacio, Richard Quan, Mark Manicad, Joj Agpangan, Young JV, L.A. Santos, Yogo Singh, Marvin Yap, Tart Carlos, Gerald Acao, Simon Ibarra, Kiko Estrada, at Rio Locsin. May special participation rin ang aktres na si Iza Calzado bilang unang Darna na magpapasa ng bato kay Narda.

Sa ginawang cast reveal, hindi tinukoy kung sino ang gaganap na Valentina, ang makakalaban ni Darna. Nabalitang si Jackie Rice ang gaganap na Valentina.

Ayon sa reliable source ni Jun Lalin, Ravyer Cruz at Janine Gutierrez hiwalay na

Ivana Alawi isang milyong piso ang iniregalo sa kanyang ina para sa kaarawan nito