in

Cute na cute na si Clarissa sa Pepito Manaloto dalaga na ngayon

From chubby cheeks to glowing young lady.

Sino nga bang hindi naaliw sa kacutan ng chubby baby na si Clarissa sa Pepito Manaloto?

Siya ang kinagigiliwan na bunsong anak nina Pepito at Elsa na ginampanan nina Michael V. at Manilyn Reynes.

Marami ang sumubaybay sa family oriented comedy series na ito. Dahil bukod sa madaming natututunan ay buong pamilya ang makakarelate sa nasabing show.

Sa ilang taon na pamamayagpag ng palabas na ito sa Kapuso Network ay namaalam na ang serye.

Pinalitan na ang mga original cast kaya naman napaisip ang marami kung ano na nga ba ang lagay ng ilang karakter.

At isa na nga sa pinaka hinahanap ng lahat ay ang napaka cute na si Clarissa o Angel Satsumi sa tunay na buhay.

Lingid sa kaalaman ng publiko, dalagang dalaga na ngayon si Clarissa. Sa 11 years na umere ang Pepito Manaloto ay malaki na ang pinagbago ng itsura niya.

Kung dati ay chubby baby si Angel ngayon ay matangkad at balingkinitan na ang kanyang pangangatawan.

Nang dahil sa pandemya ay natigil na din si Angel sa pagtatrabaho sa showbiz. Pero active naman siya sa social media.

Isa din siya sa mga biggest fan ng KPOP group na BTS.

Noong nakaraang July nga lamang ay pumunta siya ng Japan para makapanood ng concert ng mga ito.

At bilang fan ay maraminrin siyang koleksyon ng mga collectibles ng BTS.

Tulad na lamang ng BTS Pop-Logo Puff, BTS Pop-UP Map Of The Soul Photo Stand + Photocards, BTS Reusable Tumbler, BTS File Block at marami pang iba.

Maraming netizens naman ang natuwa ng makita nilang muli si Clarissa kahit hindi na sa telebisyon

Opinyon ni Jeric Raval tungkol sa sames3x marriage dinepensahan ni RR Enriquez

Nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao sinagot kung buntis nga ba ang aktres, Vina nagulat sa relasyon diumano nito kay Piolo Pascual