in

Cryptic post ni Trina Candaza patungkol nga ba sa balitang hiwalay na sila ni Carlo Aquino?

Sa gitna ng isyung hiwalay na sila ni Carlo Aquino, Trina Candaza may isang makahulugang post.

Kamakailan nga lamang ay kumalat ang balita na tila nagkakalabuan na sina Trina at Carlo.

Ito ay dahil ng mga netizens na naka-unfollow na ang dalawa sa Instagram.

May netizen pa na nagsabi na hindi na daw nagsasama sina Carlo at Trina. Napansin din nila na hindi na naka-tag si Carlo sa mga post ng nobya.

May ilan pa nga na kinumpirma na hiwalay na nga daw ang dalawa.

At sa gitna nga ng bulung bulungan na ito. Isang cryptic post naman ang ibinahagi ni Trina sa kanyang social media post.

Ani Trina, “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya”

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago,” tila gigil na saad ni Trina.

Walang binanggit na pangalan si Trina sa kanyang matinding hugot tungkol sa mga “jowang sakit sa ulo.”

Gayunpaman, dahil nga napabalitang may problema sila ni Carlo. Hindi maiwasang iugnay ng publiko ang kanyang post sa pinagdadaanan nila ngayon ng aktor.

Kung susuriin ang Instagram accounts nina Carlo at Trina, wala nga itong family o couple photo liban sa mga ilang ginamit para sa sponsored content nila sa social media.

Sa ngayon ay wala pa namang kumpirmasyon mula aa dalawa kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon.

Enchong Dee nagtatago na nga ba sa 1 Billion peso-worth case na kinakaharap?

Vice Ganda mamahaling bag ang nakuha sa palaro ni Dra. Vicki Belo sa kanyang latest vlog