in

Cristy Fermin tinawag na “epal” ang tatay ni James Reid dahil sa Instagram post nito!

Cristy Fermin may maanghang na salita sa mismong tatay ng aktor na si James Reid.

May maanghang na komento ang entertainment columnist na si Cristy Fermin sa tatay ng sikat na aktor na si James Reid. Dahil ito sa naging Instagram post ni Malcolm Reid, ang ama ni James.

Hinatid na ng kanyang pamilya si James noong February 17, 2022 sa airport kung saan nagbahagi pa ng mga larawan ang mismong kapatid ni James.

Ngayon naman, tinuldukan na ng mismong ama ni James ang tunay na dahilan ng pag-alis ng anak. Nag post siya sa kanyang Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Malcolm Reid (@malreid1)

Tila hindi naman ito ikinatuwa ni Cristy dahil sa naging kolum niya sa pahayagang Pilipino Star Ngayon. Diretsahan niya kasing pinatutsadahan ang ama ni James. May titulo itong “Tatay ni James, consistent sa pagiging epal!”

Aniya, “Hindi na nakapagtataka ang pakikisawsaw ng ama ni James Reid sa issue. Kahit naman nu’ng kasagsagan ng popularidad niya ay laging kasali ang tatay niya sa maraming kuwento.”

“Stage father ang tatay ni James, palagi itong kasali sa aksiyon, na ikinaiirita ng mga nangangalaga sa career ng binatang aktor.”

Angeline Quinto ipinasilip ang nabiling property sa Alfonso Cavite

Julia Barretto pinaghihinalaang buntis dahil sa baby video na ipinost ni Gerald Anderson sa kanyang IG