in

Cristy Fermin pinuri si AJ Raval sa paghingi nito ng tawad kay Kylie Padilla, sinabing napalaki ng maayos ang aktres ng kanyang mga magulang

Puro papuri ang namutawi ni Cristy Fermin para kay AJ Raval at sa mga magulang ng aktres.

Sa latest episode ng kanyang radio at digital program na Cristy Ferminute. Si AJ Raval ang naging paksa ng batikang kolumnista.

Ikinumpara ni Cristy si AJ sa mga ibang artista na aniya’y mataas ang ihi kahit sila na ang may mali.

Saad ni Cristy, “Ako pinuri ko siya (AJ) e, kahit sa column ko bukas. Pinuri ko siya kasi marami pong artista na maling-mali na, matataas pa ihi. Marami pong personalidad na buking na buking na pero nagmamalaki at mayabang pa.”

Pagpapatuloy pa nito, “I’m sorry. Dadalawa lang pong salita ‘yan pero hindi po lahat ay nakapagbibitiw ng salitang ‘I’m sorry’. Mas madalas po nating bitiwan ‘yung tatlong salita na ‘I love you’. Pero ‘I’m sorry’ dadalawa, hindi pa natin mabitiw-bitiwan. Kasi po tinatalo tayo ng maling ego.”

Pinuri din ni Cristy ang abilidad ni AJ na tanggapin at aminin nito ang kanyang pagkakamali.

“Marami rin pong personalidad na nagkakamali na hindi natin naaasahan ng paghihingi ng paumanhin. Pero eto ang isang AJ Raval, bata pa kung ituturing, pero tinanggap niya ang kanyang pagkakamali. Humingi siya ng tawad hindi lang kay Kylie kundi pati sa publiko at sa lahat ng naapektuhan sa kanyang pagse-share nu’ng ano ni Aljur.”

Pati na rin ang mga magulang ni AJ na sina Jeric Raval at Alyssa Alvarez ay pinapurihan ni Cristy.

Aniya napalaki daw ng tama at maayos ng mga ito ang kanilang mga anak.

“Hanga ako sa batang ito, hangang-hanga ako sa kanya. Bukod sa maganda na siya, maganda ‘yung disiplina, pagpapalaki sa kanya ni Jeric at saka ni Alyssa.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Direk Bobet Vidanes pinutol ang communication sa mga It’s Showtime hosts, tanging si Jhong Hilario lang ang kinakausap

Netizen, hindi na napigilang mag message kay JM De Guzman kung siya daw ba ang “third party” ni Kylie Padilla