in

Cristy Fermin pinagtanggol si Angelica Panganiban sa basher na tumawag sa aktres na “starlet”

Cristy Fermin, pinagtanggol ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa basher nito.

Kakaiba ang naging reaksyon ni Cristy Fermin sa mga bashers ng aktres na si Angelica Panganiban. Kilala si Cristy na madalas ay nagkokomento ng negatibo tungkol sa mga artista.

Pero ngayon, iba ang naging reaksyon ng kolumnista sa mga bashers ni Angelica. Tinalakay niya ito sa kanyang segment na Cristy Ferminute kasama si Romel Chika.

Sa naging episode nila kahapon, isa si Angelica sa naging topic ng dalawa. Inulan kasi ng negatibong komento ang aktres nang mag viral ang video advocacy ad ni Angelica kasama ang Young Public Servants kung saan matapang niyang hinikayat ang publiko para maging mapanuri sa ibobotong kandidato sa darating na eleksyon.

“Ang tindi po ng mga salitang kinakapit at ibinabato ngayon laban kay Angelica Panganiban. Ang dami pong mga salitang na kung nakasusugat po sa ating katawan e baka punong-puno na siya ng sugat ngayon,” pagsisimula ni Cristy.

Pagdagdag niya, “Katulad ‘yung laos na raw siya kaya siya nagkakaganyan, di ba? Ang mga laos, sabi nila, nagpapopansin para maging relevant sila kasi wala na siya sa gitna ng aksyon.”

Bukod dito, tinawag kasi si Angelica na ‘starlet’ ng basher kung saan hindi sumag-ayon ang kolumnista.

Aniya, “Ako naman, hindi ako sang-ayon na tawaging starlet si Angelica Panganiban. Ang dami na rin naman niyang nagawang pelikula na talgang naghakot rin ng pera para sa kanyang produksyon.”

Panuorin ang kanyang pahayag dito:

 

 

 

Larawan ni Andrea Brillantes kasama sila Kyle Echarri at Darren Espanto viral sa socmed!

Sa gitna ng isyung hiwalayan nila ni Tom Rodriguez, Carla Abellana nagpa-tattoo!