in

Cristy Fermin muli na namang pinuna ang mga mamahaling kagamitan ni Jinkee Pacquiao

Muli na namang natuon ang atensyon ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin kay Jinkee Pacquiao.

Sa latest episode ng radio at digital program na Cristy Ferminute ni Cristy kasama si Rommel Chika. Naging topic nila sina Heart Evangelista at si Jinkee.

Patungkol sa hilig umano ng dalawa sa mga luxury brands. Ayon kay Cristy magkaibang magkaiba daw ang dalawa.

Suot daw ni Heart ang mga mamahaling kagamitan niya dahil sa role nito sa seryeng ‘I Left My Heart in Sorsogon’ ng GMA.

Samantalang si Jinkee ay matutulog na lang daw ay kailangan pang ipangalandakan ang mga kasuotan na meron siya.

“Naninibago lang po tayo kay Jinkee Pacquiao kasi alam naman po natin na kahit na bulaklak ng mga halaman dati wala naman siyang mga hikaw,” saad ni Cristy.

“Tapos biglang ganyan na po siya ngayon na ipinag, pinangangalandakan na niya sa buong mundo ang kanyang mga ari-arian”

“Di ba, tinutotal yung mga suot niya,” dagdag pa ng kolumnista.

“Oo, kamakailan lang meron naman tinotal,” sagot naman ni Rommel.

“Yung pantulog niya na Louis Vuitton, tsinelas niyang Chanel, grabe,” dagdag pa nito.

“Hindi, yung akin naman, tutulog ka na, papakita mo pa yung pantulog mo. Eh di matulog ka na lang sana agad-agad. Di ba? Kakaloka,” sagot naman dito ni Cristy.

“Matutulog ka na lang sasabihin mo pa naka Louis Vuitton na tsinelas ka, Chanel ang pantulog mo. Di ba? Matulog ka na lang sana agad, huwag mo na ipinagmamalaki pa yang mga suot mo.”

“Yun lang naman…Kaya kitang-kita mo talaga…Yung kay Heart, serye yon, yun ang ikot ng kwento talaga. Eh siya naman, ni wala ngang mini-serye, di ba?” pagpapatuloy pa niya.

Pag-alis sa portrait ni Bea Alonzo sa ABS-CBN hallway ipinost ni Kim Chiu sa kanyang IG Stories

Direk Bobet Vidanes ipinagmalaking TRUE friends umano sila nina Billy Crawford at Kim Atienza