in

Cristy Fermin muli na namang pinasaringan si Nadine Lustre, sinabing hindi niya pinapanood ang mga palabas ng aktres

Mukhang hindi pa tapos si Cristy Fermin sa pagpuntirya sa aktres na si Nadine Lustre.

Si Nadine muli ang naging topic ni Cristy sa kanyang radio at digital program na Cristy Ferminute.

Ayon kasi sa batikang kolumnista, marami raw sa mga supporters ni Nadine ang nagagalit. Dahil ipinareha ang aktres kay Diego Loyzaga para sa first project nito matapos ang naging legal issues niya sa Viva.

Para kay Cristy, magaling na artista si Diego at baka hindi daw mapantayan ni Nadine ang pag-arte ng aktor.

Saad pa nga nito ay hindi daw niya pinapanood at wala umano siyang balak panoorin ang mga palabas ni Nadine.

“Ang galing ni Diego Loyzaga, baka siya ang hindi makapantay… Ayoko pong magsinungaling, paano ko naman huhusgahan ang acting ni Nadine Lustre eh hindi ko naman siya pinapanood, at hindi ko siya napapanood at wala akong plano na panoorin siya,” pahayag ni Cristy.

“Dati nasisilip ko ‘yung sila ni James Reid, nasisilip ko siya do’n pero wala akong natatandaang markado. Ang sabi nga ng mga hindi niya fans, mag-workshop ka muna!” dagdag pa nito.

Sagot naman ni Romel na co-host ni Cristy pinagmamalaki raw ng mga fans ni Nadine ang award ng aktres gaya ng pagiging “best actress” sa Gawad Urian ngunit may iba rin daw na kinukiwestyon sa mga natanggap na parangal ng aktres.

“Sabagay. Siguro kung mapapanood rin natin si Nadine, baka naman makita rin natin na may itinatago naman siyang galing sa pag-arte,” pagbawi naman ni Cristy.

Hindi ito ang unang beses na tinirada ni Cristy si Nadine. Pero hindi din naman nagpatalo ang aktres at pinasaringan niya din ang kolumnista.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Nadine ukol dito.

Kasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay nagaganap na daw ngayong araw

Karen Reyes nagbigay paalala sa kapwa niya mga magulang dahil sa nangyari sa kanyang bunsong anak