in

Cristy Fermin kontra sa sinabi ni Barbie Imperial na naghiwalay sila ni Diego ng maayos “Iniwan siya ni Diego hindi kagandahan kanilang paghihiwalay”

Cristy Fermin, hindi sang-ayon sa sinabi ni Barbie Imperial na naghiwalay sila ni Diego ng maayos.

Ito ang naging pahayag ng entertainment columnist sa kanyang programang Cristy Ferminute. Kahapon, Feberuary 16, naging topic na naman ang former couple na sina Barbie at Diego ng nasabing progarama.

Pag-uumpisa ni Cristy sa usaping hiwalayan nina Barbie at Diego, “’Di ba may binanggit si Barbie, si Barbie Imperial, kailanman daw kapag siya ay nakipag-break, hindi siya nakikipagbalikan? Mayroon siyang binaggit na ganu’n sa interview, ‘di ba? Nabasa ko rin ‘yun.”

Pagpapatuloy niya, “Siyempre bilang babae, sasabihin niya ‘yun, ‘di ba? Kapag siya’y nakipaghiwalay, hinding-hindi na siya nakikipagbalikan. Tama din naman ‘yung kanyang opinyon. May mga babae talaga na hindi na nakikipagbalikan oras na nasaktan.”

Dito na iginiit ng kolumnista na hindi daw naging maayos ang paghihiwalay ng dalawa.

“Pero sa kaso nila ni Diego, dapat tanggapin niya na siya ang iniwan, ‘di ba?”

“Siya ang iniwan ni Diego, nagpunta ng America si Diego nang hindi kagandahan ang kanilang paghihiwalay.”

Matatandaan sa isang interbyu na sinabi ng aktres na maayos silang naghiwalay ni Diego. Dagdag pa dito, parehas din ang sinabi ng aktor sa hiwalay na interbyu at sa katunayan nga daw ay nag-uusap pa din sila.

Magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache gustong magkaroon ng sariling anak

TikTok video ng Young actress na si Xyriel Manabat agaw atensyon ngayon sa social media