in

Cristy Fermin isiniwalat ang sinabi diumano ni Vice Ganda ng biglang sumikat ang AlDub at napataob ang ratings ng It’s Showtime

Ibinunyag ni Cristy Fermin ang naging pahayag diumano ni Vice Ganda tungkol sa pagsikat noon ng AlDub.

Sa latest episode ng radio at digital program na Take It Perminute. May binasang text si Cristy.

Mula daw ito sa kanyang reliable source. Na nagsasabing may hindi magandang pahayag si Vice Ganda.

Iti daw diumano ay noong mga panahon na sikat na sikat ang tambalan nina Maine Mendoza at Alden Richards. O mas kilala bilang AlDub.

Habang aligaga umano ang lahat kung ano ang kailangan nilang gawin para matapatan ng Showtime ang AlDub ay tila wala daw pakialam si Vice ukol dito.

Ani Cristy, “Noon daw inilalampaso ng Eat Bulaga ang Showtime, itong nag-text sa akin ay nandoon mismo sa dressing room.”

“Nag-aalala daw ang mga hosts ng show baka sila ay bumagsak na dahil dumive talaga eh ang Showtime dahil sa AlDub.”

“Ang sagot daw ni Vice, ‘Basta ako, may pera ako, marami akong pera. Yun daw ang sabi ni Vice.”

Nagbigay naman ng kanyang opinyon si Cristy ukol sa naging pahayag na ito ni Vice Ganda.

Para sa kanya ay parang wala daw pakikisama ang TV host comedian. Hindi umano nito alintana kung ano man ang mangyari sa kanilang noontime show.

“So ibig sabihin, sa anumang pagkakataon, sa anumang sitwasyon, yung pera talaga niya yung kanyang ipinagmamalaki,” saad ni Cristy.

“Yung kumbaga, eh ano kung mawala itong show, eh ano kung bumagsak tayo, basta marami akong pera. Parang ganun. Ayun.” dagdag pa nito.

Kamakailan nga lang din ay ibinida ni Vice na mas marami siyang pera ngayong taon. Na patama para sa kanyang mga bashers.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy:

Yen Santos at Paolo Contis pasimple nga bang nagpalitan ng message sa kani-kanilang IG Stories?

Makitid na 2-Story house viral ngayon sa social media dahil sa kakaibang disenyo nito