in

Cristy Fermin, Ipinagtatanggol si Paolo Contis sa mga Kontrobersiya Ngayon!

Ipinagtatanggol pa din!

Cristy Fermin, dinepensahan ang aktor na si Paolo Contis laban sa mga kontrobersiya na ibinabato sa kanya ngayon.

Nitong mga nakaraang araw, sunod sunod ang pag labas ng dating sweet posts ni Paolo kay LJ noon. Ito ay matapos ang naging emosyonal na interview ng aktres.

Kasabay nito, kaliwa’t kanan ang komento ng mga netizens laban kay Paolo. Ayon sa kanila, mas nagiging masakit daw ang ending ng kanyang former partners dahil nagtatagal pero naghihiwalay din.

Ngayon, lalong uminit at umingay ang pangalan ni Paolo dahil sa mga larawan at video na kumakalat sa social media ngayon.

May mga netizens kasi na nag upload ng photos sa social media na sinasabing si Paolo daw iyon at may kasamang ibang babae.

Itinuturo naman na si Yen Santos ang naturang babae ayon sa mga kuhang anggulo ng short clips at photos.

Sa kabilang banda, tila ipinagtatanggol pa din ni Cristy Fermin ang aktor. Sa naging pahayag niya online, ipinagtanggol niya si Paolo.

“Pinakamamahal mo si LJ, pinaglaban mo, tinanggap mo na meron na siyang anak sa ibang personalidad, bakit napuno ang salop? May dahilan na matindi diyan…” pagdidiin ni Cristy.

Para sa kanya, may naging dahilan umano si Paolo kung bakit nagbago ang pagmamahal nito para sa asawa.

Ipinagdiinan pa ni Cristy na tinuring ni Paolo na tunay na anak ang panganay ni LJ.

Ano ang masasabi mo rito?

Sikat na vlogger na si Whamos Cruz iresponsableng ama diumano ayon sa kaanak ng dating partner

OOTD Pambahay ni Paulo Avelino, Patok Sa Mga Netizens!