in

Cristy Fermin emosyonal sa kanyang programa dahil sa pagbuwelta niya kay Kylie Padilla; kaibigang dikit daw ang amang si Robin Padilla

Matapos ng kanyang akusasyon tungkol kay Kylie Padilla, emosyonal si Cristy Fermin sa kanyang programa dahil sa pagkakaibigan nila ni Robin Padilla.

Naging mainit ang pag buwelta ni Kylie sa columnist na si Cristy nitong nakaraan. Nag post kasi ang aktres sa kanyang Twitter at diretsahang na call out ang huli dahil sa isyu niya ngayon.

Sa programa niyang Cristy Ferminute, ilang beses nagbigay ng impormasyon si Cristy tungkol sa personal na relasyon ng aktres sa dating asawa na si Aljur Abrenica.

Buwelta ni Kylie, sana daw ay totoo ang sinasabi sa kanya kung siya man ay sisiraan. Sinabihan niya din si Cristy na matanda na daw ito at kailangan mag “Grow Up.”

Sinagot din ito ni Cristy at sinabihan ang Kapuso actress na tatanda din ito at kukulubot din ang mukha.

Pero emosyonal na Cristy Fermin ang napanood sa kanyang programang Cristy Ferminute. Dito ibinahagi ng huli na nasasaktan daw siya dahil kaibigan niya ang ama nitong si Robin Padilla.

“Ang kanya pong ama na si Robin Padilla ay mahal ko at nirerespeto ko,” pagbabahagi niya.

Naikwento niya din sa programa kung gaano kadikit ang kanilang pagkakaibigan ni Binoe. Sinabi pa nito na kasama niya na daw ang action star noong hindi pa sinisilang si Kylie.

“Alam mo Kylie, hindi ka pa man nagiging dugo sa sinapupunan ng magiging ina mo, nagtitinda pa lang ng repolyo, bitswelas, carrots at kung anu-anong gulay Baguio sa Scout area, kasama na namin siya.”

Panuorin ang buong detalye dito:

 

Netizen, hindi na napigilang mag message kay JM De Guzman kung siya daw ba ang “third party” ni Kylie Padilla

Dating video ni Julia Barretto na kumakain ng isaw, umani ng samut-saring komento ngayon