in

Cristy Fermin bumanat na naman, tinawag na Mrs. Martyr si Julia Montes

Hindi talaga papahuli sa mga celebrity issues ang tinaguriang ‘Queen of All Marites’ na si Cristy Fermin.

Muli na naman ngang nagbigay ng kanyang reaksyon at komento ang batikang kolumnista.

Sa isang episode ng radio at digital program nitong Cristy Ferminute ay si Julia Montes naman ang kanyang topic.

Kamakailan kasi ay viral ang birthday greetings ng aktres para sa kanyang rumoured boyfriend na ai Coco Martin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Sa huli kasi ng post ni Julia ay sinambit nitonang katagang ‘Mahal ka namin’

At syempre agad naman nagtrending ito kaya naman ito agad ang naging paksa ni Cristy.

“Sa bandang dulo, nakalagay ‘Mahal ka namin’. Natural titigil ba ang mga Marites sa ganon lang na pi-period-an mo ‘yung mahal ka namin. Syempre hindi papayag ang mga Marites. Babaguhin at babaguhin ang kanyang teksto.

“So ang ginawa nila, ‘Salamat sa pagiging mabuting kaibigan… at mahal ka namin ng anak mo’. Oh di ba?” saad ni Cristy.

Nabanggit din nito ang pagiging matiisin umano ng aktres. Dahil natanggap daw nito na itago siya ni Coco sa mahabang panahon.

Ani Cristy, “Meron na kayong anak, yun ang paniniwala ng publiko ha na meron na kayong anak. Pero itinatanggi ninyo. Di ba dapat ipinagmamalaki ka ng lalaki dahil mahal na mahal ka. Yung babae kasi walang problema sa babae eh. Matiisin ang babae. Pero dapat manggagaling iyon sa lalake. Na bigyan naman niya ng kredito yung babaeng mahal niya.”

Ayon pa kay Cristy antayin nalang daw na i-reveal nina Coco at Julia ang tungkol sa kanila.

“Hintayin na lang natin kung kailan nila gustong umamin. Ibigay na lang natin sa kanila yon. Pero matiisin talaga si Julia. Martyr. Ang tawag nga sa kanya, ‘Mrs. Martyr.'”

Luis Manzano gustong maging kamukha ng asawa niyang si Jessy Mendiola ang magiging anak nila

Newborn baby girl n Jewel Mische kinagigiliwan ngayon online dahil angkin nitong kagandahan