in

Cristy Fermin binatikos si Jinkee Pacquiao sinabihang walang pakealam sa nagaganap sa mundo ngayon

Mukhang hindi nagustuhan ni Cristy Fermin ang mga mamahaling kagamitang ipinapakita ni Jinkee Pacquiao online.

Kilala si Jinkee bilang isang fashionista. Madalas siyang nagpo-post ng mga litrato niya sa social media.

Suot ang mga mamahaling brand ng mga damit, bags at accessories niya.

Kamakailan nga lang sa laban ng kanyang mister na si Manny Pacquiao ay naulat na halos tatlong milyon ang presyo ng kanyang mga kasuotan.

Marami ang humanga at napanganga sa halaga ng OOTD ni Jinkee sa nasabing event. Isang araw lamang ngunit milyones na agad ang halaga.

Bagamat maraming nakakaintindi na kaya ni Jinkee na bumili ng mga mamahaling kagamitan tila may hindi naman nagustuhan ang way ng kanyang pag-flex ng mga ito.

At isa na nga dito ay ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Sa kanyang kolum kamakailan ay binatikos niya ang misis ng Pmbansang Kamao.

Aniya wala umanong kahihiyan si Jinkee at tila walang pakialam sa nangyayari sa mundo ngayon.

“Nakakaawa si Jinkee sa mga naglalabasang komento laban sa kanya, akala raw siguro niya ay may forever, habambuhay siyang magiging reyna.”

Ito ang saad ni Cristy Fermin sa kanyang kolum sa Phil Star.

Dagdag pa niya, “Wala naman siyang tinatapakan sa pagsunod sa kanyang mga kapritso, hindi naman ‘yun pera ng bayan kundi salaping naipon nila.”

Sa pakikipagbasagan ng mukha ng kanyang mister sa lona, kay nasaan ang problema?

Wala lang talagang pakialam si Jinkee sa nagaganap sa mundo ngayon. Napakaraming kababayan nating nawalan ng trabaho at walang makain.

“Taghirap talaga dahil sa pandemya, pero hindi niya mapigil ang kanyang sarili sa pagyayabang.”

Sa huli ay binatikos nito si Jinkee at sinabing, “‘Yun lang naman ‘yun. Parang hindi siya tinatablan ng kahihiyan.”

Pabor ka ba sa pahayg ni Manay Cristy?

Kiko Estrada nagsalita na tungkol sa issue sa relasyon kay Heaven Peralejo at hiwalayan nila ni Devon Seron

Babaeng bumihag sa puso ni Makisig Morales na si Nicole Joson kilalanin!