in

Controversial couple na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada nag-celebrate ng kanilang third monthsary

Sa gitna ng issue tungkol sa kanila, magkasintahang Kiko Estrada at Heaven Peralejo ipinagdiwang ang kanilang third monthsary.

Noong August 13, isinapubliko na nina Heaven at Kiko ang kanilang relasyon.

Sa pamamagitan ng kanilang Instagram post ay ibinahagi ng magkasintahan kung gaano sila kasaya sa isa’t-isa.

Sweet na sweet na “I love You” ang caption noon ni Kiko sa kanyang post, at sinagot naman ito ng “I love you too” ni Heaven sa comment section.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kiko (@jasondiazejercito)

“His infinity,” caption naman ni Heaven sa kanyang post, kalakip ang sweet photos nila ng nobyo.

Kinumpirma nila sa publiko ang kanilang relationship matapos ang halos anim na buwan may bali-balita na sila’y magkasintahan.

Nagkaroon rin noon ng “speculations” na involved si Heaven sa pag-hihiwalay nina Kiko at ang kanyang ex-girlfriend na si Devon Seron.

Samantala, Sa vlog ni Ogie Diaz na lumabas noong August 24, sinabi ni Kiko na pormal silang naging magkarelasyon ni Heaven noong May 30, 2021, tatlong buwan matapos silang maghiwalay ni Devon Seron noong Pebrero.

Kaya naman kahapon, August 30, ay ipinagdiwang nina Kiko at Heaven ang kanilang 3rd monthsary.

Ibinahagi ng dalawa ang sweet photos nila habang nasa isang night road trip.

Sa post ni Kiko sa Instagram, makikita ang sweet na sweet na larawan nila ng nobya.

Simpleng caption ng 26-year-old actor: “queen & slim”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kiko (@jasondiazejercito)

“Forever grateful for you” naman ang comment ni Heaven dito.

As of press time ay naka-off na ang comment section ng IG ni Heaven at Kiko.

Tila ayaw na nilang mabahiran ng negative comments ang masayang pagdiriwang nilang magkasintahan.

Sikat na vlogger na si Kim Whamos Cruz proud na ipinakilala sa madla ang kanyang girlfriend

LJ Reyes kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Paolo Contis, emosyonal sa panayam kay Boy Abunda