in

Coleen Garcia binalikan ang karanasan ng ipanganak si Baby Amari through water birth

Nagbalik tanaw ang aktres na si Coleen Garcia sa kanyang karanasan ng ipanganak ang panganay nila ni Billy Crawford.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Coleen ang ilang larawan na hindi umano niya nai-post noong buntis pa lamang siya.

“Some photos from my pregnancy that I never got to share,” saad ni Coleeen. Aniya, ngayong buwan ng Setyembre ay nanumbalik ang lahat ng ala-ala. Noong ipinanganak niya si Baby Amari.

“It’s September!!! I’ve been reminiscing and looking through old photos of this time when it was still just the two of us, and oh how different everything was! We really had no idea what we were in for, not just by having a baby, but by having a baby during THIS time.”

Hindi umano siya makapaniwala na isang taon na ang nakalilipas magmula ng dumating ang kanilang cute little boy.

“It’s been a year already?!” and “It’s only been a year?!” and to think I haven’t even made it to the Day 1 Amari photos yet. I’ll cry.”

Sa comment section naman ng kanyang post, papuri naman ang naging pahayag ni Billy para sa kanyang misis.

Ani Billy, “Hahahahahaha my goodness the journey! You are an unbelievable mom! Strong and amazingly beautiful inside and out. God has given me a Beautiful family, thank You Lord!”

Kalakip ng post ni Coleen ay ang ginawa nilang paghahanda noon para sa kanyang water birth.

Matatandaan na ibinahagi ng mag asawang Coleen at Billy ang kanilang naging karanasan noong pinanganak ang anak na si Amari sa kanilang vlog sa Youtube.

Narito at panoorin iyo ang video:

Ivana Alawi sumuko sa kanilang “SPICY FOOD FOR 24 HOURS CHALLENGE” kasama ang kanyang mga kapatid

Issa Prank! Couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad balik YouTube na ulit?