in

Coco Martin, Todo Ang Protekta Kay Julia Montes Sa Kanilang Taping Matapos Matumba Ang Motor Na Sinasakyan Ng Aktres!

Sobrang protective boyfriend!

Ganito na lang inilalarawan ng mga fans nina Coco Martin at Julia Montes ang aktor.

Matagal nang umuugong ang haka-haka na real life couple talaga sina Julia at Coco. At ngayon nga, si Julia na ang pinaka bagong leading lady ng action star sa long time running show na FPJ’s Ang Probinsyano.

Nitong mga nakaraang araw, opisyal nang inanunsyo ang paglabas ni Julia bilang bagong leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano.

Matagal at matindi din ang mga naging pageensayo at paghahanda ng aktres para sa project na ito. Sa ilang video clips at photos sa social media, makikita ang mga naging pagsasanay ni Julia.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na madami talagang f!ght scenes at makapigil hininga na stunts ang programa. Kaya naman todo ang protekta ni Coco para kay Julia.

Sa katunayan, muli itong napatunayan ng CocoJuls fans nang may isang pangyayaring hindi inaasahan ang naganap habang na sa taping si Julia.

Sa isang short video clip na ibinahagi ng Screen Writer na si Deo Edrinal, makikita ang “Day 1” taping ni Julia sa set.

Bukod dito, may isang short video clip din na naibahagi sa social media. Makikita na tila na out of balance si Julia sakay ng isang motorsiklo.

May scene kasi ang aktres na nagmamaneho ito ng motor at tila na out of balance. Agad naman tumakbo si Coco para tulungan si Julia.

Sa katunayan, pinacheck agad ng aktor sa mga naka abang na medic si Julia at tiniyak na walang galis ito. Mabuti na lamang at walang galos si Julia mula sa pagkakatumba.

Madami naman ang kinilig na fans dahil sobrang protective daw si Coco sa kanyang rumored girlfriend. Iba talaga ang alaga ni Coco kay Julia!

Angel Locsin at Neil Arce ibinahagi na ang buong pangyayari sa kanilang civil wedding

Jose Hallorina, Muling Nag Upload Ng Vlog Kasama Ang Pumunaw Na Lola Ni Donnalyn Bartolome!