in

Claudia Barretto nakatapos na ng kolehiyo! Marjorie, proud mommy!

Proud na proud si Marjorie Barretto sa anak niyang si Claudia na nakapagtapos na ng kolehiyo sa Ateneo.

Hindi nga maitago ni Marjorie ang kanyang kasiyahan sa tagumpay na ito ng kanyang anak. Naka-graduate na kasi si Claudia sa kursong BS Psychology sa Ateneo de Manila University.

Sa kanyang Instagram post noong August 29, idinaan ng celebrity mom ang pagbati sa kanyang anak sa bago nitong achievement.

“Congratulations Claudia! I will never forget how happy you made me feel today. I am so proud of you. You are so ready for this new chapter in your life. I will always be behind and beside you. I love you, i love you, i love you! Thank you, Lord!” ani Marjorie sa kanyang caption.

Kalakip nito ang ilang larawan nilang mag-ina na kuha sa nasabing ceremony.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

Samantala, ibinahagi rin ni Claudia sa kanyang Instagram account ang mga graduation pictures niya.

Labis ang pagpapasalamat ng dalaga sa kanyang ina. Saad nito sa kanyang caption, “Can’t thank you enough @marjbarretto.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudia (@claudia)

Reply naman ni Marjorie, “I love you so much, Claui. Thank you for making me so happy and proud.”

Marami rin mga celebrities ang bumati sa panibagong achievement ni Claudia.

Sarah Geronimo isiniwalat ang maling nakagisnan noon tungkol sa paghawak ng pera

Natural beauty ni Heart Evangelista kapansin pansin nang ibahagi niya ang kanyang yearbook photo