in

Chito Miranda diretsahang sinagot ang netizen na kinumpara ang hitsura niya sa asawang si Neri Naig-Miranda

Hindi pinalagpas ng Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda ang isang basher na kumutya sa kanyang hitsura.

Kamakailan lang ay nag-post si Neri Naig Miranda ng litrato ng kanyang mag-ama. Makikita sa nasabing litrato na tila tinuturuan ni Chito si Miggy sa mga activities nito sa school.

Isang simpleng heart emoji lang ang caption ng dating aktres at wais na misis sa kanyang post.

Maraming netizens ang naka-appreciate sa pagiging hands on daddy ni Chito. Ngunit may isang netizen ang pinuna ang hitsura ng musikero.

“Ayy, bakit ang tanda na ni @chitomirandajr , samantala si Neri fresh at baby face ang mukha. Stress ka ba Mr chito?” komento ng nasabing netizen.

Agad naman itong sinagot ni Chito. Cool na cool ang mister ni Neri at tila hindi dinibdib ang pangungutyang ito.

Sagot ni Chito, “una 45 na ko pangalawa, gradeschool pa lang ako mukha na akong college.”

Maraming netizens din ang agad ipinagtanggol si Chito sa kanyang basher.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“It’s not about the face! At least responsible”

“Wow!!! Walang tatalo sa sagot mo. Deserved ng nagcomment. Yang ganyang comment ang tatak Chito, sarap basahin.”

“It’s OK anjan n ung young version ni chitomirandajr kgwapo!”

“mukha reveal naman jan baka stress kadin kakabash eh”

“aanhin mo itsura kung hindi naman kasing responsible ni chito”

Hindi ito ang unang beses na sumagot si Chito sa kanyang mga bashers. Ngunit katulad din noon ay laging cool lang ang mga reply niya sa mga ito.

Sa ngayon ay masaya na sina Chito at Neri sa kanilang buhay may asawa at madadagdagan na muli ang kanilang pamilya.

Newlywed couple na sina Angel Locsin at Neil Arce may pa-house tour sa kanilang bagong bahay

Kris Aquino saludo kay Manny Pacquiao, may madamdaming mensahe para sa Pambansang Kamao