in

China Roces hinangaan ng marami sa pagpayag nitong makita na ni Tim Sawyer ang kanilang anak

Umani ng papuri si China Roces nang payagan na nito si Tim Sawyer na makita na ang kanilang anak.

Matatandaan na hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dating mag-partner na sina Tim at China.

Naging topic nga sila noon sa social media dahil sa kanilang pagbabangayan na nauwi sa hiwalayan.

Nagsimula ito nakaraang taon nang mag live sa Facebook si China at ibinunyag na pinagtataguan siya ng pera ni Tim. Natuklasan din umano niya na balak na talaga siyang iwan noon pa man ng dating nobyo.

Kaya naman nagkasumbatan na ang dalawa, umabot pa nga sa programa ni Raffy Tulfo ang kanilang hidwaan.

Hanggang sa sinampahan niya na ng kaso si Tim at tuluyan na nga silang nagkanya-kanya ng kailang landas. Nagdesisyon din noon si China na hindi na ipakita kay Tim ang kanilang anak na si Timothy.

Ngunit ngayong araw lang, Lunes, November 22, ay tila nag-iba na ang ihip ng hangin. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni China na pumayag na siya na magkita ang mag-ama.

Sa una niyan post ay ibinahagi ni China ang litrato ni Tim kasama si baby Timothy. Aniya sa caption, “Timothy Sawyer meet his daddy”

Ksunod naman nito ay isang video kung saan makikita ang naging bonding moments ng mag-ama. Makikitang tila sa isang mall ang naging meeting place nila.

Maraming netizens naman ang humanga sa naging desisyon na ito ng vlogger model.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Okay ‘yan. Kahit ‘di magkabalikan, basta magkaayos! Saludo sainyong dalawa”

“Gud to see mss #chinaroses Tama po yan, magbati na kyo as a friend para s anak nyo.. God bless you Po”

“Good heart china..you let your son to meet hs daddy..”

“napaka buti mong magulang miss china bandang huli kapakanan at nararamdaman pa rin ng anak mo ang mahalaga”

Xian Gaza agaw atensyon na naman sa social media; sinabing iisang hotel room lang ang tinuluyan nila Yen Santos at Paolo Contis

Albie Casiño nag-sorry na sa mga binitawan niyang salita laban sa dating nobyang si Andi Eigenmann