in

Child actor noon na si John Wayne Sace ibinahagi ang mapait niyang nakaraan sa panayam kay Ogie Diaz

Ibinahagi ni John Wayne Sace ang naging kaganapan sa kanyang buhay ng mawala siya sa industriya ng showbiz.

Isinalaysay ni John Wayne ang mga nangyari sa kanya mula nang lisanin niya ang showbiz noong taong 2006. Sa panayam niya kagabi, October 2, sa YouTube channel ni Ogie Diaz.

Aniya, ang pagkalulong niya sa bawal na 6a,mot ang nagbigay ng malaking pagbabago sa kanyang pagkatao. Dahil umano sa bisy0ng ito ay maraming hindi magagandang bagay siyang nagawa.

Limang araw din siyang nakulong noon dahil pati mga kamag-anak niya ay nakaalitan niya. At doon niya naranasan ang buhay sa bilangguan.

Na sumubok sa kanyang pagkatao, na kahit gaano pa siya katapang at katatag ay dumating ang oras na umiiyak siya sa loob ng piitan.

Ibinahagi din John Wayne na dumating siya sa pagkakataon na muntik na din siyang magholdap. Pero nang biglang magmakaawa ang dapat ay mabibiktima niya ay bigla na lamang siyang nahimasmasan.

At doon niya na daw naisip na hindi naman siya ganung klaseng tao. Inawat niya ang kasama niya at humingi na din siya ng paumanhin sa taong bibiktimahin sana nila.

Labis umanong pinagsisihan ni John Wayne ang lahat ng ito. Sa lahat nga raw ng kanyang mga hindi magandang nagawa sa buhay, laking pasasalamat pa rin niyang nabubuhay pa siya sa ngayon.

Naibahagi din ni John Wayne na sobrang nahirapan siyang iwasan o itigil ang kanyang bisy0 noon. Pero unti-unti ay naisip niyang kailangan niyang libangin ang sarili niya sa ibang bagay.

Pumasok din siya sa rehabilitation center ngunit hindi din daw nakatulong iyon para magbago siya.

Isa si John Wayne sa mga sikat na child star noong 90’s. Nakilala din siya sa galing niya sa pag-arte at pagsasayaw.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:

TIGNAN: Nagpakasal ang lalaking ito sa isang rice cooker! “She can cook”

Andrea Torres bilib sa pagiging strong woman ni Kylie Padilla, sinabing hindi na nito kailangan ng advice