in

Chie Filomeno hindi nagbago ang tingin kay Madam Inutz, sinabing ito pa din ang kanyang big winner

Si Madam Inutz pa din ang big winner para sa dating housemate na si Chie Filomeno.

Noong Huwebes, December 9, guest si Chie sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay.

Sa naging panayam sinabi ni Chie na naniniwala siya na pinaka-deserving maging Big Winner si Madam Inutz. Ang social media influencer na nakilala dahil sa online ukay-ukay selling.

Kung matatandaan ay naging kontrobersyal ang naging pahayag ni Madam Inutz noong ni-nominate niya si Chie. Bago ito tuluyang lumabas ng PBB House.

Pero ayon sa dalaga hindi daw nabago ang tingin niya kay Madam Inutz.

Aniya, “Lahat ng pinagdaanan niya, she’s really a strong woman, and she’s a single mom, and alam ko lahat ng pinagdaanan niya.

“So, for me, siya pa rin ang Big Winner ko kahit nasabi niya nga na puro ganda lang ako. Pero ganda din naman talaga ako. Charing!”

Saad pa niya noong una ay nagulat daw siya sa sinabi ni Madam Inutz. Pero sa huli ay naintindihan din daw niya ang nararamdaman o ang posisyon kung nasaan si Madam Inutz.

Katuwiran pa ni Chie, “Kasi, at the end of the day, kailangan talaga mag-nominate po.

“So, maiintindihan ko naman po din kung bakit ako na-nominate din.”

Ang mahalaga raw kay Chie ay alam niya sa kanyang sarili na may naimbag naman siya sa loob ng PBB house kahit hindi ito ang pananaw ng ibang housemates.

Narito ang video ng kanyang guesting sa ‘Magandang Buhay’:

AJ Raval inamin ang pagpapadagdag niya ng dibdib, plano na din itong ipatanggal sa susunod na taon

Kauna-unahang N.F.T Artwork ni Heart Evangelista nabenta sa halagang P3.6 million.