in

Cherry Pie Picache at Edu Manzano namataang sweet sa isa’t-isa sa New York, may namumuong relasyon nga ba?

May namumuong relasyon na nga ba sa pagitan nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache?

Ito ang tanong ng marami matapos kumalat ang mga larawan ng dalawang veteran artists. Na sweet na sweet sa isa’t-isa habang nagbabakasyon sa New York.

Kasalukuyang magkatrabaho sina Edu at Cherry Pie sa teleseryeng  Marry Me, Marry You ng ABS-CBN. Na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Nabuo ang haka haka ng mga netizens na tila may namumuong pagtitinginan kina Cherry Pie at Edu. Dahil sa mga larawan na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instgram post.

Magkakasama kasi sila sa pagbabakasyon sa New York kung saan dinalaw din nila ang kanilang mga Kapamilya. At pati na din malalapit na kaibigan na doon naninirahan.

“Amazing and lovely moments in the city that never sleeps,” caption ni Cherry Pie sa kanyang IG post.

Kalakip nga nito ang mga larawan ng kanilang bonding moments. Ngunit kapansin pansin na sa mga larawan ay iba ang closeness nila ni Edu.

Kapansin-pansin sa mga larawan na madalas magkatabi sina Edu at Cherry Pie. Bakas din sa mukha ng aktres ang matamis na ngiti.

Kasama rin nila sina Arci Muñoz, Yam Concepcion, ang eventologist na si Tim Yap at ang husband nitong si Javi Martinez.

Mas lalo pang naghinala ang mga netizens dahil sa nakaraang surprise birthday party na inorganisa ni Cherry Pie para kay Edu.

At mismong sa Instagram account din niya ibinahagi ito kalakip din ng sweet birthday message.

May mga kaibigan din nilang nagkomento na kinikilig sila para kina Edu at Cherry Pie. Bukod pa ito sa pagpapasalamat nina Arci at Yam sa masayang bonding moments nila.

Janus Del Prado tila pinasaringan si Alodia Gosiengfiao ukol sa break-up nila ni Wil Dasovich

Matapos kay Barbie Imperial, Xian Gaza si Barbie Forteza naman ang napagbalingan