in

Cesar Montano lubos ang kasiyahan nang muling makabonding ang apat niyang anak

Kitang kita sa mga ngiti ni Cesar Montano ang kasiyahang kanyang nadarama ng muli niyang makasama ang kanyang mga anak.

Kamakailan nga lamang ay viral ang muling pagsasama nina Cesar at anak niyang si Diego Loyzaga.

Ito ay matapos ang halos pitong taon na hindi pag-uusap. Ay natuldukan na ang sama ng loob ni Diego sa kanyang ama.

Pinagsisisihan din ng aktor ang mga nasabi niya noon against his father. Kung pwede nga lang daw ibalik ang panahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Ikinatuwa naman ng mommy ni Diego na si Teresa Loyzaga ang magandang pangyayaring ito.

“You make me Proud son. I love you,” pahayag niya sa comment section ng post ni Diego.

Ilang araw naman ang lumipas ay mas lalong ikinatuwa ni Cesar ang muling pagkikita nila ni Diego. At this time ay kasama na ang tatlong dalagang anak niya kay Sunshine Cruz.

Sa latest post ni Diego sa IG ay ibinahagi niya ang larawan ng kanilang bonding moments. Aniya sa caption, “Fun fun fun family daaaay w Maestro and the twins”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Sa comment section makikita naman na masaya din si Sunshine na nakasama ni Cesar ang kanyang mga anak. Ani Sunshine, ” Finally all five of you! More of this please.”

Kitang-kita naman sa mga larawan na sa mga ngiti ni Cesar ay lubos na kasiyahan ang kanyang nadarama sa mga oras na iyon.

Angelica Panganiban nagpost ng larawan ng hilaw na mangga, naglilihi na nga ba talaga?

Bea Alonzo binalikan ang umpisa ng career niya noon bilang isang extra