in

Celebrity couple na sina Carlo Aquino at Trina Candaza, pinaghihinalaan ng mga netizens na hiwalay na

Usap usapan ngayon ang hiwalayan diumano nina Carlo Aquino at Trina Candaza.

Isa sina Carlo at Trina sa mga celebrity couple na binigla ang publiko sa pagkakaroon nila ng anak. Nalaman na lang na may baby na pala sila ng manganak na si Trina.

Couple goals din kung ituring sila ng marami dahil sa istorya ng kanilang pagiibigan. Kwento nga noon ni Carlo ay talagang nabighani siya sa unang kita pa lang niya kay Trina.

Kaya naman hinanap niya daw mismo ang social media accounts noon ni Trina. Para lubos niya pa itong makilala.

Hanggang sa lumipas ang araw at naging magkarelasyon na sila. At nagbunga na nga ng isang supling ang kanilang pagmamahalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

Samantala, makalipas ang halos tatlong taon, tila nagwakas na diumano ang kanilang pagsasama.

Napansin kasi ng mga netizens na naka-unfollow na ang dalawa sa Instagram.

Sa post nga ni Carlo ay may mga netizens ng hindi napigilan ang pagtatanong.

Nagbahagi kasi ang aktor ng larawan nilang mag-ama sa caption saad ni Carlo, “Buong puso”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Sa comment section ay doon na inusisa ng mga netizens ang tungkol sa kanila ni Trina.

May netizen pa na nagsabi na hindi na daw nagsasama sina Carlo at Trina. Napansin din nila na hindi na naka-tag si Carlo sa mga post ni Trina.

May ilan pa nga na kinumpirma na hiwalay na nga daw ang dalawa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Carlo at Trina ukol dito.

Yumaong dating asawa ni Jose Manalo, inalala ng kanyang mga anak sa social media

Manager ni Francine Diaz na si John Ling itinanggi na may namamagitan kina Seth Fedelin at kanyang alaga