in

Candy Pangilinan nag-sorry matapos akalain na good news ang ibinahagi ni Alex Gonzaga

Agad na humingi ng dispensa si Candy Pangilinan ng i-congratulate niya si Alex Gonzaga sa latest post nito.

Kahapon nga October 17, ay nagsalita na si Alex tungkol sa balitang nak’unan umano siya. Sa sana ay first baby nila ng asawang si Mikee Morada.

Sa kanyang social media post ay ibinahagi ng actress, tv host, vlogger ang tunay na pangyayari. Magmula ng nalaman nilang buntis siya hanggang sa mawala na nga ang kanilang baby.

Malungkot man ang naging journey na ito sa kanyang buhay may asawa ay naging positibo naman ang pananaw ni Alex at Mikee ukol dito.

Aniya, if it is God’s will ay ibibigay din sa kanila ito sa tamang panahon. Kalakip ng post ni Alex ay ang pregnancy test.

Pati na din ang mga larawan nila ni Mikee habang nasa ospital.

Kung sa litrato lang magbabase ay aakalain na good news ito pag hindi binasa ang caption. Dahil nga naman positive pregnancy test ang nasa unang litrato.

Kaya naman sa sobrang excitement para kay Alex ay agad na nag comment ng congratulations si Candy Pangilinan.

Napansin naman agad ito ng maraming netizens at minention nila si Candy at sinabing basahin ng buo ang caption ni Alex.

At ng mapagtanto ni Candy na mali siya ng inaakala ay agad naman siyang humingi ng dispensa sa pamilya ni Alex. Nakisimpatya na din siya sa malungkot na pangyayaring ito.

Marami naman sa mga netizens at mga celebrities ang nagbigay ng kanilang warm messages sa aktres. Upang palakasin ang loob nito at magpaabot ng kanilang panalangin.

Willie Revillame napagkamalang sc@mmer ng isang bagong panganak na misis

Piolo Pascual at Shaina Magdayao namataang sweet na magkasama sa Bohol with Raymart Santiago at Jodi Sta Maria