in

Bugoy Cariño pinagtanggol ang partner na si EJ Laure laban sa mga bashers na kinabiliban ng mga netizens

Sana all may Bugoy Cariño na handang ipagtanggol ang kanilang mga partners.

Ito ang namutawi ng maraming netizens matapos sinupalpalin ni Bugoy ang mga basher ng kanyang partner na si EJ Laure.

Si Bugoy ay dating ABS-CBN child star na naging miyembro ng all-male group ng It’s Showtime na Hashtags.

Si EJ naman ay former UAAP volleyball player mula sa University of Sto. Tomas.

Limang taon ang agwat ng magkasintahan—ngayon ay 19 taong gulang si Bugoy, habang si EJ ay 24.

Dahil sa pagkakaroon ng responsibilidad sa murang edad, hindi naging madali ang pagsasama nina Bugoy at EJ.

Umani ng batikos ang magkasintahan, partikular si EJ, dahil nakipagrelasyon siya at nagkaanak noong mga panahong menor de edad pa si Bugoy.

September 3, 2020 inamin ni Bugoy na isa na siyang ganap na ama. Itinaon niya ito sa kanyang 18th birthday sa pamamagitan ng Instagram.

Bago ito, dalawang taon nang bulung-bulungang may anak si Bugoy at ang kanyang girlfriend pa lamang noong si EJ.

Kahit isang taon na ang lumipas simula umamin si Bugoy, hindi pa din tinitigilan ng mga bashers si EJ. Maraming masasakit na salita pa din ang ibinabato ng mga haters kay EJ.

Pero syempre laging to the rescue si Bugoy para ipagtanggol ang ina ng kanyang anak.

Kamakailan nga lamang sa TikTok video nila ni EJ ay sinagot ni Bugoy ang mga lumait sa itsura ni EJ.

@iambugoycarinoGinagawa mue @ennajielaure HAHAHA LABYU 🤣😘 #fyp #BugoyCariño #EjLaure♬ High School – Editor

Sinabi nitong mas okay na daw na ganun ang itsura ni EJ at least hindi puro pagpapaganda at kaartehan lang ang alam sa buhay.

Maraming netizens naman ang humanga sa pagtatanggol ni Bugoy kay EJ.

 

Newborn baby girl n Jewel Mische kinagigiliwan ngayon online dahil angkin nitong kagandahan

Reaksyon ng aktor na si Marvin Agustin habang nagpapa-tattoo kinatuwaan ng mga netizens